Bongga! 'Kasal' movie nina Bea-Paulo-Derek patok sa 'The New York Times'

Bongga! 'Kasal' movie nina Bea-Paulo-Derek patok sa 'The New York Times'

- Pumasok daw sa Top 20 'Box Office Hits' ang pelikula na 'Kasal' na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Paulo Avelino, at Bea Alonzo.

- Ayon sa post na binahagi ni Bea sa kanyang Instagram account, ang pelikula nila ay nasa 19th place sa 'Box Office 20' chart sa U.S. at Canada.

- Talaga namang napakalaking karangalan ito sa mga bumubuo ng pelikula lalo na sa mga artista, direktor, at writer ng pelikula.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na siguro mauubusan ng kaligayan at swerte sa buhay si Bea Alonzo ngayon dahil nalaman lang naman ng KAMI sa 'PEP' na tumabo na naman sa takilya ang pelikula na pinagbibidahan nya na kasama sina Derek Ramsay at Paulo Avelino ang 'Kasal.'

Ayon sa post na shinare ni Bea, noong 'Memorial Day' weekend daw sa Amerika at Canada, marami daw ang nanood ng nasabing pelikula sa mga bansang nabanggit.

At ito ngay binalita ng 'The New York Times' noong May 29, na binahagi naman ni Bea Alonzo sa kanyang IG.

Ayon pa sa balita ay nagplaced daw sa ika-labing-siyam sa box office chart ang pelikula nila na may total earnings na $329,153 from 25th of May hanggang sa 28th.

Dagdag pa sa report, pinakita daw ang pelikula sa 57 locations at umabot na ang grossed sa total amount ng PHP 17,257,800 sa isang linggo lang.

Samantala, ang top 3 naman na mga pelikula ay ang 'Solo,' 'Deadpool 2,' at ang 'Avengers:Infinity War,' accordingly.

Kaya naman talagang happy si Bea tungkol dito.

Ang mga fans naman ni Bea ay madali ding nakapagcomment para batiin ang aktres.

"We watched Kasal last night at Century Stadium in Katella!!! Love the (emoji) ! Congrats! (emoji) @beaalonzo (emoji)"
"Yesss! We watched it last night here in LA! Even my Bf that’s Greek loved it ! Check your DM please (emoji) I sent you a video (emoji) @beaalonzo"
"Congrats Queen B!!! proud of you!!! You deserved it grabe!! (emojis)"

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel