Senator Manny Pacquiao, naibigay na ang pinangakong pabahay at kabuhayan sa nakilala niyang ice cream vendor

Senator Manny Pacquiao, naibigay na ang pinangakong pabahay at kabuhayan sa nakilala niyang ice cream vendor

- Tinupad na ni Sen. Manny Pacquiao ang pangako niya sa isang Ice cream vendor na bahay at lupa sa GenSan

- Maalalang noong nakaraang linggo, nakilala ni Sen. Manny ang ice cream vendor na noong una ay binigyan niya ng 3,000PHP at habang tumatagal na ang usapan naging 30,000PHP na hanggang si itinodo na ng Boxing champ sa pagbibigay ng bahay at lupa

- Walang pagsidlan ng kaligayahan ang ice cream vendor na mayroon pa lang 3 anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di lang pera at salita ang binitawan ni Senator Manny Pacquiao sa isang ice cream vendor na nakilala niya noong isang Linggo sa GenSan.

Nalaman ng KAMI na noong nakaraang Linggo, isang Jen Manilay ay nagpost sa kanyang facebook kung paano buong pusong nag-abot ng tulong si Sen. Manny Pacquiao sa kababayan niyang Ice cream vendor.

Tila naawa ang boxing Senator sa ice cream vendor kaya naman mula 3,000PHP na nauna na niyang binigay, naging 30,000k pa ito nang malaman ni Sen. Manny na di pa pala nakakapag-enrol ang mga anak ng tindero ng ice cream.

Kalaunan, nang nalaman pa ng boxing champ na nagrerenta lamang ito ng bahay, bigla na lamang nasabi ng Pambansang Kamao na "ngrerenta ka? next week bibigyan kita ng bahay at lupa’"

Narito ang video nang nagpunta na sa mansion ang ice cream vendor at kanyang asawa.

Ngayon, isinakapuran na ito ni Senator manny Pacquiao. Nagpunta muna sa mansion ni Manny ang ice cream vendor na si Manong Marcelino Entia. Doon nagkaroon sila ng salo salo bago sila tuluyang pumunta sa nakahandang surpresa ni Senator Manny Pacquiao.

Di lang pala bahay at lupa ang binigay ng pambansang kamao, pati na rin gamit sa bahay ay pinagkaloob na rin sa pamilya ni Mang Marcelino.

Tunay na pinakita lamang ni Senator Manny na kahit sa anumang oras, maaring tumulong, kahit kanino at sa kahit anong paraan.

Narito naman ang video kung saan dinala na ni Senator Manny ang mag-asawa ni Mang Marcelino sa bahay at lupang pinangako niya.

Samantala, debotong kristyano ang mag-asawang sina Manny at Jinkee Pacquiao na binayayaan ng limang mga anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth at Israel.

Ilang taon na ang nakalilipas nang sila ay bumalik sa GenSan upang mabuhay ng simple ang kanyang pamilya. Kinasal sina Manny at Jinkee noong taong 2000.

Harassment: the great fear of every woman. How would you define the harassment? Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay

It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay

It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel