Netizens, nagulantang sa video ni Presidente Duterte na humalik di umano sa isang OFW sa South Korea

Netizens, nagulantang sa video ni Presidente Duterte na humalik di umano sa isang OFW sa South Korea

- Muling naging tampulan ng kontrobersiya ang larawan ni Presidente Rodrigo Duterto na di umano'y humalik sa labi ng isang OFW sa South Korea

- Bagaman at hiyawan at kantsawan ang naging reaksyon ng mga tao sa kaganapan na ito doon mismo sa South Korea, Iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens ukol dito

- Ayon sa report kinilig pa raw ang babaeng hinalikan ng Presidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang video ang naging viral ngayon kung saan makikitang ang ating Pangulong Rodrigo Duterte ay humalik sa labi ng isang OFW sa South Korea.

Nalaman ng KAMI na naganap ito sa isang pulong ng Presidente Digong kasama ang OFW community sa South Korea.

Tumawag siya ng dalawang babaeng OFW na tatanggap ng kopya ng librong "Altar of Secrets: S**, Politics, and Money in the Philippine Catholic Church," na sulat ng namayapa nang si Aries Rufo, dating Senior Investigative Reporter ng Rappler.

Tinapos ito ng Preidente sa papamagitan ng paghalik sa dalawang OFW, ang isa ay sa pisngi lamang niya hinalikan habang ang isa ay sa mismong labi na siyang naging dahilan ng hiyawan at kantsawan ng mga tao sa pulong na iyon.

Makikitang kilig na kilig pa diumano ang babaeng OFW sa Presidente.

Maririnig pa raw na tinanong ng Presidente ang babaeng hinalikan kung single ba ito o may asawa.

Dalaga ka? Hindi naman kayo hiwalay? Pero kaya mo sabihin na biro lang ito?"

Matapos noon, ay niyakap pa niya ang OFW.

Narito ang kontrobersyal na video na k=nakuha ng KAMI sa youtube.

Samantala, iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa video, taliwas sa mga hiyawan ng mga OFW na mismong nakasaksi sa South Korea.

"i don’t get how she can still feel “kilig” when a misogynistic as****e just kissed her lips???? the president has a wife pa niyan ha. ang kadiri ninyo at binababoy ni duterte ang pagkapresidente niya. walang hiya."

"As soon as President DUTERTE reaches the Philippines, his advisers should prepare him to apologize for that stupid SEOUL KISS."

"After the kiss, people were chanting "Duterte! Duterte!"...Some people also commented in the post "Ang suwerte naman ni ate."SUMAKIT ULO KO NG SOBRA, Parang awa niyo na.#DuterteRESIGN."

"duterte can't embarass the philippines enough he really had to fly to sokor and kiss a filipina in an international broadcast,, smh"

Si Presidente Digong ay may longtime partner na si Honeylet Avanceña kung saan mayroon silang isang anak na si Verinica "Kitty" Duterte.

Mayroon din siyang tatlong anak sa dati niyang asawa na si Elizabeth Zimmerman na sina Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, dating Vice Mayor ng Davao na si Paolo Duterte at Sebastian Duterte.

Matagal nang tinutuligsa ang Pangulo dahil sa pagtrato nito sa mga kababaihan na siyang nagiging dahilan ng pag-alma ng ilan sa mga grupong pangkababaihan.

Harassment: the great fear of every woman. How would you define the harassment? Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis

Kris Aquino, may nakakagulantang na mensahe para kay Nicko Falcis
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel