Vice Ganda at Nanay Rosario, pinaiyak ang mga manonood sa nakaraang 7th anniversary ng GGV

Vice Ganda at Nanay Rosario, pinaiyak ang mga manonood sa nakaraang 7th anniversary ng GGV

- Napuno ng iyakan ang GGV studio ng magsimulang magbigay ng mensahe si Vice Ganda tungkol kay "Tutoy"

- Ibinahagi ng komedyante ang kanyang taos-pusong pagpapahalaga at pagmamahal kay Nanay Rosario

- Vice Ganda nag-iwan ng malaking kurot at kasiyahan sa mga manonood

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos ng luha nitong nakaraang linggo sa 7th anniversary episode ng Gandang Gabi Vice nang maging emotional ang GGV host na si Vice Ganda at Nanay Rosario.

Ito ay kasabay ng segment na "Tanong Mo, Mukha Mo", na pinangungunahan ni Boy Abunda bilang segment host. Ang beteranong host ay magpapakita ng pitong larawan kay Vice at ang komedyante ay kailangan magbigay ng katanungan sa kada larawan ng taong ipapakita.

Ang huling larawan ang syang nagpaiyak ng husto kay Vice na inilarawan ni Boy Abunda bilang "sobrang malapit sa puso mo. Hindi mo mararating ang kinalalagyan mo ngayon kung hindi siya naging bahagi ng buhay mo."

Ipinakita sa screen si Tutoy, ang batang bersyon ni Vice Ganda. Dito, sinabi nya na " Kung makakausap ko si Tutoy, gusto kong itanong sa kanya ngayon kung masaya ka ba sa kung anong ginawa ko sa buhay ni Tutoy?"

Pagpapatuloy nya, "I will forever be Tutoy, Tito Boy, that will never change. I will forever remain to be Tutoy because Tutoy is my nanay's happiness."

Lalong naging emosyonal si Vice Ganda ng mabanggit nya ang kanyang nanay, kung saan sinabi nya na "Kaya ayokong mawala si Tutoy kasi hindi puwedeng mawala yung kasiyahan ng nanay ko kasi that's the most important thing in this world."

Labis na naantig at naiyak ang mga manuod kina Nanay Rosario at Vice. Eto ang ilan sa kanilang mga reaksiyon.

"Sobrang nadala ako ng emosyon, nakalimutan ko nang naka-raincoat si tito Boy. After 8 minutes pa bago ko napansin."

"Pure love and genuine happiness. We love you so much, Vice! You're such an inspiration".

"Pinigil ko, at pinilit ko talaga na wag umiyak. Pero wala eh. Basta Nanay ang pinag uusapan yan ang kahinaan ko. Na miss ko lalo nanay ko".

Si Nanay Rosario ay hindi rin napigilang mapaluha at dali-daling pumunta sa stage para bigyan ng mahabang yakap si Vice.

Panoorin ang buong kaganapan dito:

Si Vice Ganda ay isang sikat na komedyante, aktor, at host na napapanood din tuwing tanghali sa It's Showtime.

We want you to look and feel better in your body—and this fitness challenge can help you get there. Check out this weight loss challenge and watch as Keziah, the coach for the Philippines, shows how to perfect these effective moves.Get a constantly updating feed of breaking news, fun stories and videos just from BeKami Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel