Nakakaantig! Kuya Wil nakitang muli ang lola na nag-alaga sa kanya

Nakakaantig! Kuya Wil nakitang muli ang lola na nag-alaga sa kanya

- Sa isang episode ng 'Wowowin' sa 'GMA-7' ay sinorpresa si Willie Revillame ng isang lola sa audience ng show nya.

- Tinawag ang pansin ni Willie ng isang audience member na may bitbit na lumang litrato at nagulantang ang sikat na TV host dahil dito.

- Ang nasabing larawan ay kuha noong bata pa sya kasama ang kanyang lola at ito ay dinala ng isang matanda na sya palang nag-alaga sa kanya noon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang nakaka-antig na palabas ang nangyari sa 'Wowowin' ni Kuya Willie Revillame noong Biyerness, June 1, 2018.

Unang nalaman ng KAMI ang nakaka-antig na tagpo na ito sa 'GMA News Online' through 'MSN News.'

Nagviral na din ang nasabing video sa Facebook page ng official Willie Revillame updates na umabot na sa libu-libong views at ilang shares and daan-daang comments.

Sa nasabing video, hindi naitago ni Nanay Koring ang saya at pagmamalaki sa pagkikita nilang muli ni Willi Revillame na dati nyang inaalagaan noong bata pa ito.

Ikinuwento ni Nanay Koring na kasama daw niya noon si Kuya Wil na nagtitinda sa Nueva Ecija.

At biglang nagtawanan ang laht ng inihayag ng matanda na syan daw naghuhugas sa TV host noong bata pa sya tuwing dumudumi sya.

Pinababa naman ito ni Willie ang matanda at niyakap ng mahigpit at hindi din napigilan ng matanda na halikan at yakapin ng mahigpit ang alaga.

Saad pa ni Nanay Koring:

"Kaganda-ganda mo nga kako nu'ng maliit. Pogi ka, hanggang ngayon pala'y pogi ka rin."

Panoorin ang kanilang pagkikita.

Binigyan din ni Wilie ng maraming mga regalo si Nanay Koring.

Watch more HumanMeter YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel