Nanindigan! Anne Curtis pinagtanggol si Erwan ukol sa kontrobersya ng ‘Buhay Carinderia’

Nanindigan! Anne Curtis pinagtanggol si Erwan ukol sa kontrobersya ng ‘Buhay Carinderia’

- Nagsalita na ang may bahay ng blogger at restaurateur Erwan Heussaff tungkol sa kontrobersya na kinasasangkutan nito sa 'food tourism project' ng gobyerno ang 'Buhay Carinderia.'

- Ang 'It's Showtime' host na si Anne Curtis ay nanindigan at pinagtanggol ang asawa na 'content creator' ng nasabing kontrobersyal na proyekto.

- Pero ito ay sinuspende ng bagong secretary ng tourism na si Bernadette Romulo-Puyat dahil daw sa 'lack of proper bidding.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa balita na nakuha ng KAMI sa 'ABS-CBN News,' ang asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff ay orihinal na kinhua para gawin ang kontobersyal na proyekto sa food tourism ang 'Buhay Carinderia.'

Si Erwan pala ang sana ang 'content creator' ng nasabing kontrobersyal na food tourism project na sinuspende ng Tourism Secretary dahil sa kakulangan ng tamang pag-bid.

Hindi pa nagpalabas ng official statement ang asawa ni Anne Curtis tungkol dito pero ang aktres ay nagbigay ng kanyang pahyag sa mga entertainment reporters ukol sa kontrobersya ng proyektong ito.

Nanindigan ang aktres sa integridad ng asawa nya at sabi:

“I know where Erwan’s heart is talaga when it comes to that: it’s always about pushing Filipino food.”

Dagdag pa ng 'Sid&Aya' star:

“Iyon lang naman ang gusto niya, ma-highlight ang pagkain ng mga Pilipino, so I support him with that.”

Sa itaas na larawan ay pinapakita sina Erwan Heussaff kasama sina Linda Legaspi ng 'Marylindbert International,' isang marketing agency at si Cesar Montano ang chieo operating officer ng 'Tourism Promtions Board' na binalitang nagbitiw.

Umani naman ng iba't-ibang reaksyon ang nasabing balita.

Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens tungkol sa balitang ito:

"chef si erwan, pero I don't think gamay niya ang diskarte sa pagluluto ng pagkaing pinoy, lalo na yung mga pagkain sa karinderya na alam natin pang masa ang lasa at presyo. dapat si boy logro ang representative ng mga pinoy."
"tama lang imbestigahan din siya kasi binayaran siya at namasyal siya sa iba't ibang lugar sa ating bansa to taste/learn about filipino cuisines (palibhasa walang alam) using our taxes. mas qualified talaga si chef boy logro at mas marami pang mas qualified kesa jan kay erwan. bakit sya naging content creator ng carinderia project?"
"Content maker lang naman si erwan jan eh, anung kinalaman nya sa pera jan lol, napansin lng ng tao yan dahil asawa sya ni anne"

Watch more HumanMeter YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
Maid, bistado sa pagnanakaw! Binenta online ang mga ninakaw sa amo

Maid, bistado sa pagnanakaw! Binenta online ang mga ninakaw sa amo

Maid, bistado sa pagnanakaw! Binenta online ang mga ninakaw sa amo
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel