Responsableng batang ama! Buboy Villar, iwas muna sa barkada, tuon ang attention sa anak at trabaho

Responsableng batang ama! Buboy Villar, iwas muna sa barkada, tuon ang attention sa anak at trabaho

- Ibinahagi ni Buboy Villar ang kanyang pananaw bilang isang ama

- Sa edad na 20, isa siyang responsableng ama sa kanyang baby

- Lagi niya din pinapakita kung gaano niya kamahal ang asawa niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahit si Buboy Villar ay tinuturing ang sarili niyang batang ama dahil sa kanyang edad na 20 meron na siya walong buwang anak na si lanz Karollyn sa kanyang minamahal na si Angillyn Serrano Gorens.

Sa isang panayam sa PEP, ibinahagi ni Buboy ang kanyang saloobin bilang isang ama.

“Ngayon, 20 years old po ako ngayon, tinatawag nga po akong batang ama. Magna-nine months na po ang aking anak.”

Sa kabila ng mga commitments sa showbiz, pinipilit niyang mabigyan ng oras ang kanyang anak.

“Siyempre nagtatrabaho po ako, kaya mas hands-on nga ang Mommy ko.

“Pero kapag wala naman akong trabaho, nandun talaga ako, nakatutok sa mag-ina ko.

“Kumbaga, sobra akong proud na proud dahil mayroon akong anak na napakaganda, manang-mana nga lang sa kanyang ina.

Inspired ang aktor sa pagtatrabaho para sa kanyang mga mahal sa buhay.

“Pero sobrang saya ko na ang pagtatrabaho ko ay hindi lang para sa akin kundi para sa pamilya ko, sa anak ko, at sa asawa ko.”

Paano siya nag aadjust sa kanyang pagiging ama.

“Actually, wala namang na bago sa mismong personalidad ko.

“Kung may nabago man, siguro yung time, kasi nahahati na. Di katulad ng dati.

"Kapag mag-sports ako or magba-basketball ako, di na masyadong puwede.

Hindi na daw muna siya nagbibigay ng oras sa barkada.

"Hindi na muna sa barkada, kumbaga focus na lang muna sa baby talaga.

"'Tsaka gusto ko naman talaga na kalaro yung anak ko lalo na ngayon na palalaro siya lagi.”

Tuwang tuwa siyang ibinahagi ang mga namana sa kanya ng kanyang anak.

“Sabi nila yung eyes, yung cheek, at saka siguro yung pagiging madaldal niya. Sobrang hyper siya at masayahing bata.”

Ayaw naman daw niyang mamana ng anak ang kanyang height.

“Huwag naman! Okay lang sa 'kin na mas matangkad pa siya sa akin. Pero actually, mahabang bata siya, e.

“Kumbaga nasa kalahati ko na siya, e.

"Mukhang namana ang height niya sa side ng nanay niya, lahat sila matangkad."

Engaged na ang magkasintahang Buboy Villar at Angillyn Serrano Gorens. Pinangakuan naman sila ni Willie Revillame na sasagutin ang kanilang kasal at reregaluhan ng trip abroad. Samantala isa si Buboy Villar sa mga artistang bumubuo ng isa sa pinaka bagong palabas sa GMA, ang Inday Will Always Love You.

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel