Ama ni Ellen Adarna, Alan Modesto Adarna, pumanaw na

Ama ni Ellen Adarna, Alan Modesto Adarna, pumanaw na

- Pumanaw na ang ama ni Ellen Adarna na si Alan Modesto Adarna

- Ayon sa report, cardiac arrest umano ang ikinamatay ng ama ng aktres

- Kasalukuyang nakaburol ang kanyang mga labi sa Cosmopolitan Memorial Chapels, Inc. sa Mandaue, Cebu.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sumakabilang-buhay na si Alan Modesto Adarna, na ama ng aktres na si Ellen Adarna.

Nalaman ng KAMI na nitong April 2, ay nagdiwang pa si Alan ng kanyang ika-60 na kaarawan.

Ayon sa ulat ng PEP, pinost ng florist na taga-Cebu at may handle na @floraltouchbychaty ang larawang ito sa kanyang Instagram account kahapon, June 2.

"Our Condolences and Prayers to the Adarna's Family. God grant you Eternal Peace Sir Alan Adarna," ang nakalagay na caption.

Kinumpirma ng isang netizen kung ama ba ni Ellen ang tinutukoy ng florist sa kanyang post at sumagot ito ng "yes."

Ama ni Ellen Adarna, Alan Modesto Adarna, pumanaw na

Ama ni Ellen Adarna, Alan Modesto Adarna, pumanaw na (Photo: Floral Touch by Chaty)

Ayon pa sa source ng PEP, cardiac arrest umano ang ikinamatay ng ama ng aktres nitong June 3 ng umaga. Kasalukuyang nakahimlay ang mga labi ni Alan sa Cosmopolitan Memorial Chapels, Inc. sa Mandaue, Cebu.

Sa June 8 naman nakatakda ang kanyang libing na gagawin sa Queen City Memorial Gardens, ayon sa ulat ng ABS-CBN.

Ama ni Ellen Adarna, Alan Modesto Adarna, pumanaw na

Ama ni Ellen Adarna, Alan Modesto Adarna, pumanaw na

Ang ama ni Ellen Adarna ay isang businessman at kilala ang kanilang pamilya na nagmamay-ari ng chain of motels na matatagpuan sa Manila, Cebu, at Davao.

Naging usap-usapan ang pagkikita ng magulang ni Ellen at boyfriend nitong si John Lloyd Cruz noong November 28, 2017.

Harassment: the great fear of every woman. Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Today we will go to the streets to get the answers to these questions. Are you ready to hear the shocking truth?

Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel