Netizen, nagpadala ng pera sa isang salesman para makabili ang isang lolo na kinapos sa pambili ng cellphone

Netizen, nagpadala ng pera sa isang salesman para makabili ang isang lolo na kinapos sa pambili ng cellphone

- Nagpost ang isang Kean Estacio Jonson sa kanyang facebook tungkol sa isang lolo na kinapos ang pambili ng cellphone

- Isang salesman ng cellphone si Kean at siya ang unang nalapitan ni Lolo na kinapos sa pambili ng cellphone para sa apo niya

- Nabasa ito ng isang napakabuting netizen na nasa Dubai, at nang bumalik ang lolo para bumili ng cellphone na kulang parin ang pera, pinadala na ng netizen ang pera sa salesman at sinauli nalang kay lolo ang pera niyang dala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kabila ng napakaraming kaguluhan sa mundo, mayroon pa rin talagang mga mabubuting kalooban na naghahasik ng pa rin ng 'positive' vibes sa mundo.

Gaya na lamang ng salesman ng mga cellphone na si Kean Estacio Jonson at ng isang netizen nasa Dubai na si Ms. Monica.

Nalaman ng KAMI na noong Marso, nagpost daw si Kean tungkol sa unang pagkikita nila ni Lolo Lucio na balak bumili ng cellphone para sa kanyang apo.

Sa kasamaang palad, kulang ang pera nito at sinabing pag-iipunan daw niya ang halagang kailangan para makabili ng isang smartphone.

Si Kean, na noon ay nadurog ang puso, nagpost sa facebook tungkol sa tagpo nilang ito ni Lolo Lucio.

At doon, pinadalhan na siya ng Private message ng isang Ms. Monica na naantig sa sitwasyon ni Lolo Lucio.

Ayon kay Monica, ramdam din daw niya ang ganoong sitwasyon dahil may lolo rin siyang pinag-ipunan dati ang gusto niya at binabalot pa raw ng kanyang lolo ang pera sa panyong 'El Shaddai'.

Sinabi rin ni Monica kay Kean na sakaling bumalik ang lolo, sabihan siya at buong puso niya itong ibibili ng cellphone.

Kamakailan lamang, matapos ang halos 2 buwan, bumalik si Lolo Lucio ngunit sa kasamang palad, kulang pa rin ng ilang daang piso ang kanyang pera.

Dito naisip ni Kean na kontakin si Monica at di naman ito nagdalawang isip na magpadala ng pera kay Kean.

Binilin pa ni Monica na wag nang kunin ang pera ni Lolo at buong halaga ng cellphone ang pinadala niya, Ipanggastos nalng daw iyon ni Lolo Lucia sa iba pa nilang pangangailangan.

Kaya naman nang nabili na ni Lolo ang cellphone, agad nagpadala ng larawan si Kean kay Monica, patunay na nabili na ito ni Lolo at para ipakita kung paano umaliwalas ang mukha ng matanda sa mga biyayang natanggap sa mga di niya kilalang tao.

Tunay na kahanga-hanga ang nagawa nina Kean at Monica na siyang patunay na may mga mabubuting tao pa rin nagiging paraan para magbahagi ng biyaya sa iba.

Harassment: the great fear of every woman. How would you define the harassment? Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel