Sinuspindi na ang 'solid kapuso' Grab driver na ayaw magsakay ng reporter sa Kapamilya network

Sinuspindi na ang 'solid kapuso' Grab driver na ayaw magsakay ng reporter sa Kapamilya network

- Sinuspindi na ng Grab ang isa sa kanilang driver na tumangging magsakay ng isang pasahero kamakailan lang

- Ayon sa driver, isa siyang 'solid kapuso' kaya hindi niya sinakay ang isang reporter mula sa ABS-CBN

- Nag-react ang mga netizens tungkol sa isyu na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inaksyunan na ng Grab ang isa sa kanilang driver na nahuling namimili ng pasahero.

Nalaman ng KAMI na sinuspindi ng 5 araw si manong driver dahil hindi niya sinakay ang isang reporter ng ABS-CBN dahil isa raw siyang 'solid kapuso.'

Pinost ng ABS-CBN reporter na si Jacque Manabat ang update mula sa Grab kung saan bukod sa pag-suspindi sa driver ay sumailalim din ito sa retraining at coaching, na shinare naman ng Fashion Pulis.

"UPDATE: The ‘Solid Kapuso’ driver underwent retraining and coaching yesterday and is under 5 day suspension so he can’t drive, accdg to Grab.

LESSON: Huwag magpaasa na darating ka, kung sa iba naman pala nakalaan ang puso mo."

Umani naman ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Read some of their comments below:

"Oh my, this is soo hilarious!!! Affected ng network war si kuya driver! Hahaha"

"Hahaaha Kairita! Papaswelduhin at palalamunin ka ba ng GMA manong driver sa loyalty mo na yan?! Hahaha Dati tumatanggi sa pasahero base sa destinasyon o kung traffic ba papunta dun, ngayon base na sa loyalty sa TV network! Hahaha Ayan suspension tuloy! Hahaha Kaloka!"

"Kapuso din ako pero this is too much... Kuya ha.. Trabaho lang.. Walang personalan..."

"Feeling ko palusot lang nung driver yan. Maraming grab drivers ang mahilig magcancel ng booking daming excuses."

Naging maingay na balita kamakailan lang ng i-share ni Jacque Manabat, isang reporter sa Kapamilya network, ang kanyang karanasan sa isang Grab driver.

Dinaan niya sa isang Facebook post nitong Miyerkules, May 30, at sinama ang mga screenshots kung paano siya tinanggihan ng isang Grab driver at talaga namang naging trending ang post niya na ito.

Harassment: the great fear of every woman. Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Today we will go to the streets to get the answers to these questions. Are you ready to hear the shocking truth?

Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel