Dating sinturon vendor, naigapang ang pag-aaral at nagtapos bilang 'summa cumlaude'

Dating sinturon vendor, naigapang ang pag-aaral at nagtapos bilang 'summa cumlaude'

- Matinding kahirapan ang nag-udyok kay Raymart Reyes para magbenta ng sinturon pantustos sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo

- Nakipagsapalaran sa Maynila ngunit kalaunan at bumalik din sa Quezon

- Nakiusap sa paaralan na kung pwede siyang bigyan ng iskedyul na akma sa kanyang working student, napagbigyan at ngyon nakapagtapos na siya bilang isang 'summa cumlaude'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Denver Jardiolin Medina ang nagbahagi ng nasaksihan niyang 'speech' ng isang 'summa cumlaude' sa isang graduation na nai-cover nila.

Nalaman ng KAMI na ang tinutukot pala na 'summa cumlaude' ay si Raymart Reyes na dating sinturon vendor.

Ayon sa Pilipino scoop matindi ang pinagdaanan ni Raymart para makatapos lamang siya ng kolehiyo.

Magsasaka at maghahabi ng dahon ng pandan sa probinsya ng Quezon ang kanyang mga magulang.

Kaya naman napilitan si Raymart na makipagsapalaran sa Maynila, kung saan nagbenta siya ng sinturon at nilalakad ang matinding init mula Baclaran hanggang Monumento.

Marahil sa hirap ng dinanas sa Maynila sa araw araw na paglalako, naisipan niyang bumalik sa probinsya ng Quezon.

Di pa rin tumigil si Raymart dahil sa gustong gusto niya talagang makapag-aral at makatapos ng kolehiyo.

Sa ABE International Business College - Lucena Campus niya sunubukang mag-aral ng kolehiyo. Nakiusap siya ng schedula na akma sa kanya sapagkat nag-working student din siya roon.

Dahil sa ganitong sitwasyon, laging puyat at pagod at kulang sa pahinga si Raymart.

Ngunit, napakaganda naman ng bunga ng kanyang paghihirap na ito dahil nagtapos siya ng Summa CumLaude, BSBA.

Kwento pa ni Denver, halos lahat daw ng magulang at iba pang nakikinig sa speech ni Raymart noong araw ng kanyang pagtatapos ay lumuluha at umiiyak na para bang sila ang totoong magulang ng summa cumlaude

Samantala, umani naman ito ng mga papuri sa ilang netizen na nakabasa ng post ni Denver.

"Wow! Keep in touch of our heart good job,to successful sa hirp at tyaga my nilgaa talgaa congtrats.kpag lging gby ANG poong maykpal sa lht..

"Hindi man kita kilala hinhangaan ko Ang sipag at tyaga mo. Ikaw ang dapat maging role model ng mga kabataan. Congratulations to you and to your proud parents and family"

"Nice congratulations matalinung Ka talaga..Hand Salut ako ang simpleng Pala ngiting bata.. Nung first year high school niya.. God bless you.."

"Wow sir! Congrats for hardwork and dedication"

"Happy to be a part of your last minute success on stage, Mr. Raymart Reyes aka "YMAT"...stay humble...more crossroads to take but J know you can surpass all."

Did you know in The Philippines 58% of incidents of harassment happen on the streets and major roads? Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel