TNT champion Janine Berdin, pamilya ang paglalaanan ng 2 milyong piso partikular na ang kanyang lola

TNT champion Janine Berdin, pamilya ang paglalaanan ng 2 milyong piso partikular na ang kanyang lola

- Si Janine Berdin ng Visayas ang tinanghal na kampeon ng 2018 Tawag ng tanghalan sa Showtime

- Binahagi ni Janine na pamilya ang paglalanan niya ng napanalunan na 2 milyong piso

- Binanggit din ni Janine na ngayong tapos na ang kompetisyon, kakain daw siya ng ice cream

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging matindi ang labanan sa Grand Finals ng Tawag ng Tanghaln sa Showtime na ginanap sa Aliw Theater ngayong ika-2 ng Hunyo.

Tila nahirapan ang mga judges at maging ang mga tagasubaybay ng patimpalak sa pagpili kung sino nga ba ang karapat-dapat na manalo sa TNT dahil sa sobrang gagaling ng mga naglalaban.

Nalaman ng KAMI na sa huli, ang 16v na taong gulang na kumakatawan sa Visayas na si Janine Berdin ang tinanghal na kampeon.

Ayon sa panayam ng ABS-CBN news kay Janine, sinabi nito na ang bahagi ng 2 milyon na napanalunan niya ay nakalaan na para sa kanyang lola na kinakailangan nang i-dialysis.

"Kailangan ko po tulungan lola ko kasi recently na-stroke po siya at kailangan po siya mag-dialysis din," wika ng humahangos pang si Janine mula sa katatapos lang na paligsahan.

Nabanggit din niya na ngayong tapos na ang kompetisyon, kakain na siya ng Ice cream.

"Kakain po ako ng ice cream kasi dalawang buwan na po akong di kumakain non," pabirong sinabi ng kampeon ng TNT.

Samantala, bukod sa 2 milyong piso, may negosyo at vacation package pa siyang napanalunan.

Kasama ni Janine sa top 3 sina Ato Arman na pumangalawa kay Janine at si Steven Paysu naman ang pangatlo.

Si Ato ay nag-uwi ng 500,000 pesos habang si Steven naman at 250,000 pesos.

Congratulations Janine, from Kami!

Harassment: the great fear of every woman. How would you define the harassment? Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines. Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay

It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay

It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel