Napaiyak ng husto si Jolina Magdangal sa pagsubok na pinagdadaanan ngayong 2 na ang anak

Napaiyak ng husto si Jolina Magdangal sa pagsubok na pinagdadaanan ngayong 2 na ang anak

- Nanganak si Jolina Magdangal sa pangalawa nilang baby ni Mark Escueta nitong Lunes, May 28

- Si Baby Vika Anaya ay isinilang via caesarean section

- May nakakaiyak na tagpo sa buhay ni Jolens na ibinahagi niya sa kanyang mga followers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayong kuya na si Pele, ang panganay na anak ni Jolina Magdangal, may mga pagbabago talagang magaganap dahil 2 na silang inaasikaso.

Nanganak ang Kapamilya actress kay Vika Anaya Escueta nitong Lunes, May 28.

Nalaman ng KAMI na umiyak talaga ng todo si Jolina dahil sa isang eksena kamakailan lang.

Shinare ni Jolens sa kanyang Instagram account ang larawan na magkasama sila ng panganay niyang si Pele. Nagkuwento si Jolina kung paanong tila nagseselos si Pele kay Vika dahil noong makita nitong nagpa-dede siya at tinawag para tabihan sila ay hindi ito lumapit sa kanila.

Bumuhos ang luha niya, marahil naaawa sa kanyang panganay, dahil ngayon ay hati na ang atensyon na dati ay buong-buo na sa kanya lang.

"Kagabi magkatabi sila ni Mark matulog sa ibang kama. Nagising sya kanina at nakita nya magkatabi kami ni Vika (pinadede ko kasi). Tinawag ko sya para tumabi sa amin, hindi sya lumapit, tapos sumisilip lang sya sa amin ni Vika.. juskoday!!!! Naiyak ako!!!!!

"Naawa ako lalo na nakita ko mata nya, Nag alala ako na baka nagtampo sya (at habang tinatype ko ito, naiiyak ako). Kaya pagkatapos na pagkatapos mag dede ni Vika, kahit masakit ang tahi at mahirap gumalaw, binilisan ko pumunta sa kanya at inakap ko ng mahigpit at pinuno ng halik. Akala ko hindi ako papansinin pero inakap din ako ng madami."

Nagbigay naman ng kani-kanyang sariling karanasan ang mga netizens at pinayuhan si Jolens na tama naman ang kanyang ginawa.

Read some of the comments from netizens below:

"Its only shows that you are a kind hearted person and very very good hands on mom! Bilib ako syo galing mo!!"

"Same here. I cried alot when i saw my daughter alone in her crib while i was nursing my son.. oldtimesyetfreshtomymind #motherhood"

"Sa una dw tlga prang nag seselos lng yan sila lalo na before the baby sister came nsa knla lahat ng atensyon pro they will get use to it at mamahalin nila at mggng protektib sila sa kapatid nila. Just keep him feel na love na love mo prn xa khit may bago nang baby c mommy"

"Tama yan ginagawa mo bigay mo solo attention kay Pele, kc c Baby need nya milk? change diaper of course care Mo Sya kaya nga pina pa dede etc. si Pele May icip na, so Alam nya at nakikita nya’ na balance ang love Mo sa kanila ..."

Kinasal sina Mark Escueta at Jolina Magdangal sa Splendido Taal Golf and Country Club sa Tagaytay City, Cavite, noong November 21, 2011. Ipinanganak ni Jolina ang kanilang panganay na si Pele Iñigo, noong February 18, 2014.

Harassment: the great fear of every woman. Do the men’s views on this problem differ from the women’s views? How many women have been harassed on the Philippines? Today we will go to the streets to get the answers to these questions. Are you ready to hear the shocking truth?

Have You Ever Been Harassed? Philippines 2018 - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay

It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay

It's positive! Marian Rivera at 13 very much pregnant celebrities replay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel