Emosyonal sa pagkawala ng baby! Jessa Zaragoza, nakunan sa kanyang pangalawang pagbubuntis

Emosyonal sa pagkawala ng baby! Jessa Zaragoza, nakunan sa kanyang pangalawang pagbubuntis

- Isang emosyonal na pagbati ang Instagram post ng singer na si Jessa Zaragoza para sa anak

- Si Jayda Avanzado ay nagdiwang ng kanyang ika-15 na kaarawan kamakailan lang

- Ibinunyag naman ni Jessa na nakunan siya nitong nakaraang holy week

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang emosyonal na pagbati sa anak na si Jayda Avanzado, inilahad ni Jessa Zaragoza na nakunan siya nito lamang holy week.

Pinasalamatan niya ang anak dahil umano sa pagtulong sa kanya na maka move on at pinaalalahanan daw siya nito na life is a gift.

Isang mahaba at madamdaming mensahe ng pagbati ang kanyang handog sa anak na magdidiwang ng kanyang ika 15 na kaarawan.

"I'd like to take this time anak para pasalamatan ka, for helping me face the trials I've gone through this past Holy Week. When I had a miscarriage last April, you reminded me that life is a Gift.

Ayon pa sa singer di dapat sinasayang ang araw sa pagiging malungkot bagkus tingnan na lamang ang mga biyayang natatanggap.

"Thank you anak for helping me move on and helping me realize na, 'Wag natin sayangin ang bawat araw maging malungkot.' We are still so blessed in many ways. 'Thy Will be done.'"

Hindi na nakapag announce ang mag-asawa dahil nawala din ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

"Anak, I'm feeling kinda emotional right now, thinking about you and the thought na 15 years old ka na bukas! I'm just so proud of you anak. I admire kung paano mo natutunan ihandle ang mga adversities that have come your way. Maliit man o malaki. Kung paano mo siya in-approach with maturity and paano mo sinasali ang Panginoon sa bawat yugto ng buhay mo," saad niya.

Pinuri niya din ang ganda ng anak na kasing ganda umano ng kanyang puso.

I just want to thank you for being you. Magpapaka-nanay na ako ha, pero totoo naman, your face is as beautiful as your heart. . . . I love you very much, my one and only baby. Sana makilala din ng mga tao kung gaano ka-pure ang puso mo."

Si Jayda ay anak nila Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado. Siya ay nagsisimulang makilala dahil sa kanyang mga guestings at TV exposures.

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Raymart Santiago, tinapos ang 19-year sa Kapuso para maging Kapamilya

Raymart Santiago, tinapos ang 19-year sa Kapuso para maging Kapamilya

Raymart Santiago, tinapos ang 19-year sa Kapuso para maging Kapamilya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel