Ryle Santiago, isiniwalat ang alam sa napapabalitang relasyon nina Vice Ganda at Ronnie Alonte

Ryle Santiago, isiniwalat ang alam sa napapabalitang relasyon nina Vice Ganda at Ronnie Alonte

- Itinanggi ni Ryle Santiago ang napapabalitang namumuong relasyon sa pagitan nina Ronnie Alonte at Vice Ganda

- Pinabulaan niya ang ga usap-usapan dahil sa sobrang pagiging malapit nila sa isa't isa

- Tiniyak din niyang parang magkakapatid ang turingan nila at walang inggitan sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng isyung may relasyon sina Vice Ganda at Ronnie Alonte, nagsalita si Ryle Santiago upang ipagtanggol ang kasamahan niya sa It's Showtime.

Meron pang mga nagsasabing ginagamit ni Ronnie si Vice upang lalo pang sumikat.

Sa isang ulat ng PEP ay inihayag ng hashtag member ang kanyang saloobin tungkol sa isyu.

“I don't wanna look at Ate Vice na gamitan siya, ayoko ng ganun.

“Ang akin, bakit mamasamain kung ka-close mo ang katrabaho mo?

Ayon pa sa binata ay lahat sila ay malapit kay Vice Ganda.

“Katrabaho naman namin lahat si Ate Vice, e, lahat naman kami kahit papaano may relationship kay Ate Vice.

“So, what difference does it make kay Ronnie?

“Kasi si Ronnie lang siguro ang una niyang pinaka-close, pinaka nauna lang.

Ipinahayag niya rin na pantay ang pagtrato at pagmamahal ng TV host sa kanila.

“E, lahat naman kami mahal ni Ate Vice, lahat naman kami mahal si Ate Vice.”

“Hindi namin minamasama.

“Bakit namin mamasamain, e, katrabaho din naman namin siya?

Para sa kanya wala naman daw silang masamang ginagawa.

“Unless may masama talagang ginagawa... e, mukhang wala naman.

“Magkaibigan lang na nag-e-enjoy, nagtatrabaho.”

Naikwento niya rin kung paano ang turingan nilang magkaka grupo at wala daw inggitan sa kanila.

“Hindi, actually hindi. Kami kasing Hashtags, araw-araw kaming magkakasama.

“We travel the Philippines. We sleep together in rooms, minsan same bed.

“Yung bonding ninyo talaga, mag-iiba.

“Para saan ba ang kumpetisyon, e, iisang grupo lang kayo?

“Kung magsama-sama kayo, aangat ang isa, magku-complement-an tayo para mas maganda.”

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel