"Buhay na buhay ang Aldub Nation!" Vice Ganda, nag ala Yaya Dub sa It's Showtime

"Buhay na buhay ang Aldub Nation!" Vice Ganda, nag ala Yaya Dub sa It's Showtime

- Isang nakakaliw na episode ng It's Showtime ang nasaksihan ng mga manonood ngayong Biyernes

- Ginaya ng host na si Vice Ganda ang ilang Aldub moments kasama ang isang contestant ng Tawag ng Tanghalan

- Sabi pa ni Vice, mukhang mapapagalitan daw siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling napuno ng tawanan ang studio ng It's Showtime ngayong Biyernes dahil sa ginawa ni Vice Ganda. Ginaya niya ang ilan sa mga scenes ng Aldub sa kalyeserye na bahagi ng karibal nitong palabas na Eat Bulaga.

Habang kinakausap nina Vice Ganda kasama ang kanyang mga co-hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, at Amy Perez ang isang finalist ng Tawag ng Tanghalan gamit ang split screen dahil nasa Aliw Theater ang mga finalists para sa paghahanda nila sa grand finals sa Sabado.

Humirit si Vice na makipag high five sa finalist na si Reggie Tortugo sa pamamagitan ng pagdikit ng kanilang kamay sa screen.

Matatandaang nakipag high five si Vice Ganda kay Reggie sa nakalipas na episode ng palabas ngunit hindi ito napansin ng finalist kaya napahiya si Vice Ganda.

"Ang lakas maka-Aldub nu'n, ah," biro ni Vice Ganda.

Nagkataon namang tinutukso si Reggie na ka look-alike ni Alden Richards.

Nagbiro pa si Vice na siya daw si"Yaya Dub." Sinabihan din niya si Reggie na gumawa sila ng hugis puso kagaya ng ginagawa ng Aldub.

"Buhay na buhay ang Aldub Nation!" hirit pa ni Vice.

Nang mapag-isip-isip na makailang beses niya na namang binanggit ang tungkol sa segment karibal na show, muli siyang nagbiro,"Mukhang mapapagalitan ako mamaya... Ma-principal's office ako."

Matatandaang maka ilang beses na rin biniro ni Vice ang pagbanggit ng tungkol sa Eat Bulaga, ang karibal na palabas ng It's Showtime simula noong 2012.

Nang magkaroon ng aberya at inaayos ito habang live na pinapalabas ang It's Showtime, nagbiro si Vice na lumipat muna sa kabila ang manonood.

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel