Hindi ito contest! Ito ang pinaabot ni KZ Tandingan tungkol sa pagpapakasal

Hindi ito contest! Ito ang pinaabot ni KZ Tandingan tungkol sa pagpapakasal

- Sinabi ni KZ Tandingan na hindi naman daw paligsahan ang papapakasal kaya hindi sya nagmamadali.

- Ayon pa sa kanya na, “engagement is not a race, getting married is not a race” sagot nya sa tanong ng pagpapakasal sa longtime boyfriend nyang si TJ Monterde.

- Naitanong ito kay KZ dahil daw sa engagement ng kasamahan nya sa ‘Cornerstone’ na si Moira Dela Torre.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita ng ‘PEP,’ hindi daw nagmamadali si KZ Tandingan at ang boyfriend nyang si TJ Monterde sa pagpapakasal.

Nalaman ng KAMI na nasabi ng singer na hindi sya nakikipag-unahan sa ibang celebrities na na-engaged na o nagpakasal na.

Natanong daw si KZ tungkol dito dahil si Moira ay engaged na sa nobyo niyang si Jason Marvin.

Ayon sa balita, 4 years na daw ang itinakbo ng kanyang relayson kay TJ.

Si KZ ay 26 years old at si TJ naman ay 28 years old.

Pero saad ni KZ na dadating ang panahon nayan.

Dahil para sa kanya daw ay:

"Kasi engagement is not a race, getting married is not a race.”

Paliwanag pa nya na, siguro daw ay nasa tamang edad na sya, kaya pwede na pero sa isip nya dapat daw magpakasal ka when you’re ready.

“Pero I think you should marry when you're ready.”

Saad din naman nya na kung ibibigay daw ni Lord, bakit naman hindi.

Sa ngayon daw ay masaya at kuntentto siya sa itinatakbo ng kanyang relasyon sa boyfriend nyang si TJ.

Sabi pa nya:

“We are very happy, we are actually celebrating our 40th months today.”

Pagpatuloy pa nya na nilagawan daw siya ni TJ ng isang taon tapos apat na taon na daw silang nagging magdyowa.

Malaki din naman ang pagpapasalamat nya kay TJ dahil sa napaka-understanding daw nito.

“Alam niya kasi, right now, although he's part of the hierarchy of my priorities, alam niya na kaming dalawa, priority namin ang aming mga careers."

Dagdag pa ni KZ:

“Kasi nga, pareho kaming dalawa, we're just starting. Gusto naming i-buildup muna nang i-build yung careers namin.”

Pero minsan daw naiisip nya na baka daw ay nagtatampo na sa kanya si TJ dahil hindi na nga daw sila nakakapag-usap ng matagal.

Sobrang understanding daw ni TJ, sa katunayan nga daw ay noong sumali siya sa ‘Singer 2018’ sa China ay natatapos daw doon ng alas-tres ng umaga na ang meeting nila.

Kaya pag nagfi-facetime daw sila ay hindi nya maiwasan na nakakatulugan niya si TJ at hindi sya nakakapag-babay.

Pero sobrang nagging understanding daw si TJ Monterde sa entire journey nya sa nasabing competition sa China at never naman daw pinaramdam ng huli na may kulang sya bilang girlfriend at pagtatapos ni KZ ay nagpapasalamat sya dito.

Watch for more BeKami YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
Maine Mendoza’s new business venture expected to make her even wealthier

Maine Mendoza’s new business venture expected to make her even wealthier

Maine Mendoza’s new business venture expected to make her even wealthier
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel