Dalawang babaeng naanakan ng isang OFW, naging magkaibigan at nagtulungan para makuha ang sustento ng kanilang mga anak

Dalawang babaeng naanakan ng isang OFW, naging magkaibigan at nagtulungan para makuha ang sustento ng kanilang mga anak

- Buong tapang na binahagi ng isang ina na naanakan ng manlolokong boyfriend kung paano siya tinakbuhan nito at tuluyan nang di nagbigay ng sustento

- Di na niya nais pang gambalain ang lalake na isang OFW na ngunit may matinding karamdaman ang kanilang anak

- Sa oras ng kagipitan, ang naging kadamay niya ay ang isa pang naanakan ng OFW at siya ang nagbigay ng lakas loob para ituloy niya ang paghahanap sa OFW para makuha ang sustento na para sa anak niya lalo pa at ito ay may sakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masakit na maloko ng taong minahal mo. Na dahil mahal mo, binigay mo ang lahat ngunit nagawa ka paring lokohin.

Ngunit, wala nang mas sasakit pa kung ang anak mo ay mayroong malubhang karamdaman na dadalhin niya habang buhay.

Sa kasamaang palad, pareho itong dinadala ng isang babae at ina na nagbahagi ng kwento niya sa KAMI.

Ayaw na sana niyang gambalain pa ang ama ng kanyang anak ngunit tinamaan naman ito ng matinding karamdaman.

Sa di inaasahang pagkakataon, sa oras na kailangang kailangan niya ng karamay, isang babae ang nagpakilala sa kanya na naanakan din pala ng lalaking nang-iwan sa kanya.

Dalawang babaeng naanakan ng isang OFW, naging magkaibigan at nagtulungan para makuha ang sustento ng kanilang mga anak

source: supplied

Naging kaibigan niya ito, at silang dalawa ang nagtutulungan ngayon upang makuha ang sustento na dapat nakukuha ng kanilang anak.

Ibinahagi ito upang mahanap na rin ang lalaking OFW na nagngangalang Mark Angelo Fundano Santos, na siyang ama ng anak ng lumiham sa KAMI.

Narito ang kabuuan ng kwentong binahagi ng ayaw magpakilalang ina at sana ay makuha niya ang sustentong kinakailangan niya.

Hello I'm liza

Mark angelo fundano Santos o Mark fundano Santos sa facebook. 2014 ng kami ay magkakila. To make the story short po naging kami at nabuntis nya ako. That time ay wala siyang trabaho pero nangako siyang pananagutan nya ako at maghahanap siya ng trabaho. Dahil ako po ay may trabaho that time sa akin po muna siya umaasa kahit pambili ng yosi nya, kahit pang gala nya sakin siya nghehengi. Dahil po maselan ang pagbubuntis ko napaaga po ang aking pag leleave sa trabaho at sinabihan ko siyang maghanap na ng trabaho. Pero sabi nya baka siya ay babalik nalang sa abroad. Binigyan ko siya ng pera pang renew ng passport at pang Medical nya pero walang ngyare sa plano nya.

Hanggang sa nag apply siya sa resort world casino at siya ay natanggap sobrang saya namin nung natanggap siya. Ako lahat sumagot ng gastos at allowance nya dahil kakasimula palang nya. Haggang sa dumating ang araw na nagbago siya di na siya masyado nagtetext wala pa siyang isang buwan sa trabaho at sinasabe nya sobrang busy at stress daw ang trabaho nila. Inintindi ko siya di narin siya maxado dumadalaw sakin. Pero hindi kona pahahabain pa alam nyo na cguro ang dahilan. Ang concern ko ngaun is may sakit ang anak ko. Eto ay hindi sempleng sakit. Sakit na bumababa ang platelets at kaylangan maintain ang steroid nya dahil life time po ang sakit na eto. Simula nung magbuntis ako lahat ng gastos sa check up, vitamins hanggang sa panganak ko akin lahat ng gastos ni piso wala siyang naibigay. Napagod nako at hinayaan nalang. Dumating ang Time na nakapag abroad na po siya grabe yung dinanas Kung pagmamakaawa para hingin ang sustento para sa anak ko.hanggang sa binlock nya nako pero gumagamit parin ako ng ibang account dahil pilit Kung pinaglalaban ang sustento ng anak ko pero wala padin akong napala di ko din alam Kung pano ipaglaban sa korte dahil wala din naman akong perang panlaban lalo na Sa sestima dito sa pinas. Nawalan nako ng pag asa sumuko nalang ako sa kakahabol ng sustento para sa anak ko at sabe ko kaya koto! lahat ng paghihirap at diskarte mabuhay lng ang anak ko. my son is turning 4 na po at hanggang ngaun wala padin binibigay na sustento ang tatay nya naging proud ako sa sarili ko dahil kahit papano nalagpasan kona ang kalahating hirap para sa anak ko. Iba talaga pag nanay kana lahat gagawin para sa anak. This January lang bumalik na naman ang sakit ng anak ko at eto din yung time na my nag message sakin siya si nika ang babaeng dahilan Kung bakit ako iniwan ng tatay ng anak ko pero this time nagkapatawaran kami

Dalawang babaeng naanakan ng isang OFW, naging magkaibigan at nagtulungan para makuha ang sustento ng kanilang mga anak

source: supplied

My dalawa silang anak at naging magkaibigan kami para sa mga anak namin. dahil kahit ano pa ang ngyare sila ay magkapatid. At eto din yung time na nabalitaan ko na hiwalay nadin sila. Nasa abroad parin si Mark at magdadalawang taon na siya dun. Sinabihan ako ni nika na this is the the time na kylangan ipaglaban kona ang sustento para sa anak ko.nung una ay hinayaan ko nalang dahil ayoko ng ma stress pero napag isip isip ko din na susubukan ko. Eto na nga nahanap ko din ang facebook account nya kaya sinubukan Kung mag message para manghengi ng kaunting tulong pero as usual wala parin akong napala Hindi enaccept ang request ko ignored ang ang lolo mo. Sinubukan ko e message ang current girl friend nya nakiusap ako ng maayos pero di din ako pinansin at binlock pako. Ang hindi ko lng matanggap ay May Pera siyang pampadala ng flowers at iba pang bagay sa girlfriend nya binilhan nya pa eto ng mga gamit pero anak nya ni singkong duling wala.

At eto pa nakalagay sa instagram account nya "a father of two". Mejo natawa kami dahil lima po tlaga anak nya. isa sakin,dalawa kay nika at my dalawa pa sa ibat ibang babae pero yung dalawa ay hindi daw siya sigurado Kung sakanya. maxado siya nagpapa good boy sa gf nya Ngaun at sa pamilya nito ang alam nila ay dalawa lng talaga ang anak nya. Pero lately lng nalaman nadin ng gf niya. Apelido nya ang dala dala ng anak ko dahil siya ang pumirma nito. Ano po ba dapat Kung gawin sa ganitong klaseng tao?madami pa pong mga worst na ngyare pero ayoko na po kasing pahabain ang post ko Hehe. please post his pictures para malaman ng lahat Kung anong klaseng tao si mark Angelo fundano Santos.

Are you dreaming about a body that looks like a model but have no idea where to begin your workout? Sam's Fitness Challenge Week 1 (Teaser) | BeKami on KAMI Youtube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jake Zyrus, idinitalye sa kanyang libro ang umano'y karanasan sa kanyang ina

Jake Zyrus, idinitalye sa kanyang libro ang umano'y karanasan sa kanyang ina

Jake Zyrus, idinitalye sa kanyang libro ang umano'y karanasan sa kanyang ina
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel