Alex Gonzaga, bumuwelta sa isang netizen na nagpahayag ng labis na pagka-inis sa kanya

Alex Gonzaga, bumuwelta sa isang netizen na nagpahayag ng labis na pagka-inis sa kanya

- May buwelta si Alex Gonzaga sa isang basher na nagpahayag ng inis sa kanya

- Isang netizen ang nagsabi na super hate niya si Alex at OA raw ito

- Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi talaga pinalagpas ni Alex Gonzaga ang isang netizen na nag-tweet para ipahayag ang sobrang pagka-inis niya sa aktres.

Nalaman ng KAMI na dinelete na ng netizen ang kanyang post.

Shinare ng Fashion Pulis ang screenshot ng tweet ng basher ni Alex. Sinasabi nito na sana raw ay tumigil na si Alex sa mga pinag-gagawa nito dahil super loud at OA raw niya at hate niya talaga ito.

"Idk if this is an unpopular opinion but Alex Gonzaga needs to stop every f#cking thing she's too loud and OA OMG I hate her so much"

Sumagot si Alex sa kakaibang klase ng pag-resbak, sarcastic pa nitong sinabi na hate din niya si 'Alex'. Ang pangalang Lara na binanggit ni Alex sa tweet ay pangalan ng nang-bash sa kanya.

"Tara ipatumba na natin siya dami na nya napipinsalang buhay. We hate you Alex!! - me and Lara"

Umani ito ng iba-ibang reaksyon mula sa mga netizens. Karamihan ay ipinagtanggol si Alex at sinabing hindi ito OA at nakakaaliw ang kanyang mga vlogs. Habang meron din namang iba na agree kay basher na hindi talaga siya nakakatawa.

Read some of the comments from netizens below:

"Haahahahaha natawa ako sa sagot niya"

"OMG so kakaloka si hater! Pero I just love Alex.. Hindi siya OA. I think siya talaga yun as a person. Kaysa 'yung pahinhin sa TV pero nag iibang anyo sa likod ng camera!!! Baka unpopular opinion din to hahaha"

"Alex is my ideal Beshie. She makes me laugh. Life's challenges seem to be easier with someone like Alex around."

"Eh di wag nyang panoorin hay nako daming oa sa Earth"

"o edi nasampolan ka ni alex, kunga ffected kasi sa knya, unfollow her! or don't watch her vlogs. juskooooo kelakilaki ng problema ni hater."

"Hahaha.....why is she a celebrity daw? She has no good looks, no talent and she is very annoying."

"True naman kasi. She is OA and not funny. Sana she goes away na."

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Si Mikee Morada, isang businessman, ang current boyfriend ni Alex. Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017.

Fitness Challenge: make your body perfect by June! Are you dreaming about a body that looks like a model but have no idea where to begin your workout? Start with our fitness challenge! Keziah, the coach for the Philippines, has created a one-month transformation challenge aimed to make your body thin and toned. And it’s a perfect time for you to join it!

Sam's Fitness Challenge Week 1 (Teaser) - on BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel