Good news! Nangangailangan ang bansang Japan ng daan-daang caregivers at nurses

Good news! Nangangailangan ang bansang Japan ng daan-daang caregivers at nurses

- Ito ay isang good news para sa mga caregivers at nurses dahil ang bansang Hapon ay nangangailang ninyo.

- Ayon sa balita ng 'Bandila,' may ilang daang job openings daw ang binuksan ng bansang 'Land of the Rising Sun' na pwedeng aplayan ng mga Filipino.

- Bukod dito, iba pang skilled workers din daw ay kailangan ng nasabing bansa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita ng 'BANDILA' noong gabi May 31, 2018, ay nangangailangan daw ang bansang Japan ng 15 nurse at 720 careworker or caregivers.

Unang nakita ng KAMI ang nasabing balita sa website ng 'ABS-CBN News.'

Ayon sa balita, ang sweldo daw na makukuha ng nurse pagnagtrabaho sila sa Japan ay 42,000-83,000 pesos daw at ang caregiver naman ay 48,000 - 96,000.

Ang sabi naman ng deputy administrator ng 'POEA' na si Jocelyn Turla-Sanchez:

"Kailangan ng mga medical workers because graying population na sa Japan. So, ibig sabihin ageing population, maraming mga may edad na kailangan ng pag-alaga."

Hanggang June 4 lang daw ang submission ng applications pero meron pang ibang trabaho na naghihintay sa pamamagitan ng licensed recruitement agencies.

Pwedeng puntahan ang 'POEA' website para makita ang mga listahan nga mga ahensya na ito.

Ang ibang mga trabaho na pwedeng applayan ay housekeeper, agricultural workers, electrician, at welders.

Hindi pa daw makumpirma ng 'POEA' ang lumabas na balita tungkol sa limang daang libong trabaho para sa mga foreign workers sa Japan.

Saad ni deputy administrator:

"The Philippine government is closely monitoring this new development in labor market in Japan. Once okay na, malalaman nyo."

Good news talaga ito sa mga Pinoy pagna-approve na itong limang libong trabaho na ito ayon sa 'POEA.'

Watch more BeKami YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel