Inaatake si Janine Gutierrez ng bashers dahil daw kay Alden Richards

Inaatake si Janine Gutierrez ng bashers dahil daw kay Alden Richards

- Ayon sa balita, ngayon daw ay isang paboritong target na atakihin ng mga bashers si Janine Gutierrez dahil sa napapabalitang team-up nila ni Alden Richards.

- Si Lotlot de Leon naman ay inamin na bilang ina ay nasasaktan siya pagnasasaktan ang kanyang anak dahil sa pamba-bash.

- Pero kumpiyansa pa rin ang ina na kakayanin ni Janine ang pamba-bash ni ilang netizens kaugnay sa napipintong pagtambal nila ni Tisoy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon sa balita na nakuha ng KAMI sa 'PEP,' may napapabalitang primetime teleserye na gagawin ang 'Pambansang Bae' na si Alden Richards at ang magiging leading lady daw dito ay ang anak ni Lotlot de Leon at Monching Gutierrez na si Janine Gutierrez.

Ang sabi daw ay inaatake ng ilang bashers ang magandang anak nina Lotlot at Monching at apo ni Pilita Corales at Eddie Gutierrez dahil daw dito.

Dagdag pa sa balita na meron daw gagawin si Tisoy na si Alden Richards na isang television series sa primetime na ang titulo ay 'Victor Magtanggol' at si Janine daw ang sinasabing magiging leading lady nya.

Napanayam ng naturang media outlet si Lotlot de leon tungkol dito at sinabi niya na nasasaktan siya pagnasasaktan ang anak.

Pero sa tingin nya ay kakayanin daw ni Janine ang pamba-bash ng netizens sa anak kaugnay ng balitang pagtatambal nila ni Alden.

Wala pa naman daw na pormal na announcement tungkol sa tambalang ito, pero ang mga bashers daw ay nag-uumpisa ng atakehin ang magandang dalaga ni Lotlot.

Ayon sa balita, umaalma daw ang ilang mga tagahanga ng napakasikat na tambalang AlDub dahil ang gusto nila ay si Minggay o Maine Mendoza ang katambal ni Alden sa mga projects nito sa 'GMA-7.'

Tugon naman ni Lotlot de Leon tungkol dito at sa issue ng bashers ng anak kung kakayanin ba daw ito ng huli:

"Yes po, kaya niya!"

Proud pa na sinabi ng ina na:

“But then again, she's strong and I'm really proud of her.”

POPULAR: Read more news about Maine Mendoza and Alden Richards here

More BeKami Videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures

Happy cuties! 11 Celebrity babies na happiness ang peg sa mga pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel