Sweet na uli sila! Kakai Bautista, nagpasalamat sa pag-aalaga sa kanya ni Aaron Villena

Sweet na uli sila! Kakai Bautista, nagpasalamat sa pag-aalaga sa kanya ni Aaron Villena

- Nagkaayos na at tila nanumbalik na ang dating relasyon nina Kakai Bautista at Aaron Villena

- Nagpasalamat ang komedyante sa aktor sa pag-aalaga umano nito sa kanya

- Magkasama sila sa isang pelikula na pinamagatang "Harry and Patty"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mukhang tuluyan nang naayos ang naging samaan ng loob ng magkaibigang sina Kakai Bautista at Aaron Villaflor.

Sa kanyang Instagram account ay pinasalamatan ni Kakai si Aaron sa pag-aalaga sa kanya habang ginagawa nila ang kanilang pelikulang "Harry and Patty."

Sa kanyang mga litrato kung saan kasama niya ang aktor, kanyang nilagay ito sa caption.

“Salamat din sa pag-aalaga mo sa akin. Salamat sa aso’t pusang friendship (hindi talaga normal pag walang pikunan). Salamat sa bagong chapter ng friendship naten. Sana lagi mo akong ilibre ng icecream.”

Ayon pa kay Kakai hindi siya magkaka lakas ng loob na gumawa ng pelikula kung hindi dahil kasama niya si Aaron.

Matatandaang naging balita noon na naging magkarelasyon ang dalawa ngunit biglang binura ni Aaron ang mga sweet na pictures nilang magkasama sa Instagram.

Naging usap-usapan din ang kasarian ni Aaron matapos magbiro si Kakai tungkol dito. Bumuwelta naman ang aktor sa singer-comedienne.

Nagkaayos sila noong Nobyember nang nakaraang taon.

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel