Walang wedding planner? Anne Curtis, kinuwento na si Erwan lahat ang nag-asikaso ng bawat detalye ng kanilang kasal

Walang wedding planner? Anne Curtis, kinuwento na si Erwan lahat ang nag-asikaso ng bawat detalye ng kanilang kasal

- Binahagi ni Anne Curtis na ang asawang si Erwan Heussaff pala ang may pakana ng lahat ng detalye ng kanilang kasal noong Nobyembre ng nakaraang taon

- Ayon sa aktres, mula palang sa araw ng pag-propose ni Erwan sa kanya, alam na nito kung saan ang lugar na pagdarausan ng kasal

- Kumuha lamang sina Anne at Erwan ng wedding organizer para matulungan sila sa paghahanap ng materyales na kailangan nila sa kanilang espesyal na araw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ilang buwan matapos ang matagumpay na kasalan nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, ngayon lamang naikwento ng 'It's Showtime' host na wala pala silang wedding planner sa kanilang kasal.

Bagaman at nauuso sa panahon ngayon ang wedding planner sa mga kasalan, si Erwann Heussaff pala ang punong abala sa maliit man o malaking detalye ng kanilang kasal.

Nalaman ng KAMI na plantsado at planado na ng husto ni Erwan ang kasal mula pa ng nagpropose ito kay Anne.

Kwento pa. ni Anne, New Zealand talaga ang lugar na napili Erwan noon pa man.

Syempre, nakaalalay din si Anne sa iba pang mga bagay na kinailangan nila sa kanilang kasal.

"Wala kaming wedding planner. Kumuha kami ng wedding organizer doon to help source out the materials that we wanted. Pero it was all Erwan," kwento ni Anne

Narito ang video ng panayam kay Anne sa Magandang Buhay kung saan napag-usapan ang kanyang kasal.

Isa ang pag-iisang dibdib nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa highlights ng showbiz para sa taong 2017.

Kahit ginanap ito sa New Zealand noong Nobyembre 12 ng nakaraang taon, dinaluhan pa rin ito ng mga sikat na celebrities na malalapit sa puso nina Anne at Erwan.

Umabot ng 7 taon ang pagiging magkasintahan ng dalawang bago tuluyang nagpakasal.

Are you dreaming about a body that looks like a model but have no idea where to begin your workout? Sam's Fitness Challenge Week 1 (Teaser) | BeKami on

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather

‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather

‘Rest now, Papa!’ Garie Concepcion bursts out in pain over death of grandfather
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel