Nanggagalaiti sa galit at inis ang mga netizens dahil sa isang video

Nanggagalaiti sa galit at inis ang mga netizens dahil sa isang video

- Pinag-uusapan ngayon ang isang video na kung saan, ayon sa caption ay sangkot ang diumano'y isang anak ng konsehal sa Pampanga.

- Ayon sa naturang caption din ay itong nasabing anak ng konsehal daw ay diumano'y nang-aagaw ng mauupuan.

- Pero noong hindi daw ito mapagbigyan ay binugbog daw nito ang biktima at ang pinakasaklap pa ay binugbog umano ito sa harap ng pamilya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakainis talagang isipin na merong mga public officials o mga kamag-anak ng mga ito ang parang naghaharian dahil sa hindi lang mapagbigyan sa kanilang kagustuhan.

Hindi naman lahat ay ganito pero meron talagang iilan lang.

Naispatan ng KAMI ang naturang video dahil nagviral na ito sa Facebook dahil na din sa inis at sobrang pangggalaiti ng mga netizens dahil sa maangas na pang-aasta ng mga lalaki sa video.

Totoo man o hindi ang sinasabi sa naturang caption ay talaga namang nakakainis kahit tumitingin ka lang sa video.

Makikita naman sa video na tila pinagtutulungan ang isang malait na lalaki na nakaupo lang ng iilang brusko at malalaking mga lalaki.

Nakikita din sa video naman, na ang lalaking nakablue ay nakaupo lamang pero nilapitan ito ng nakasleeveless na nakaorange na malaking lalaki at biglang sinuntok.

Ang babae naman namay hawak na bata na para bang asawa siguro ng lalaki ay hinawakan pa ito para hindi magalaw ng mga lalaking ito.

Pero walang nagawa ang babae kung hindi sumigaw at umiyak na lang ito.

Ang nakakainis pa ay hindi lang isa ang sumuntok.

Pinagtutulungan ang lalaking naka blue at may cap.

Mabuti na lang ay may mabuting kalooban ang ibang lalaki at pinigilan na nila ang mga susunod na pagsuntok sa naturang lalaki.

Ayon sa caption:

"Lasing na anak ng konsehal sa Pampanga, nang-aagaw ng mauupuan nambugbog nang hindi mapagbigyan. binugbog ang biktima sa harap ng pamilya. Wala yatang takot kay President Duterte"

Dahil dito ay madaming nanggagalaiti na mga netizens sa mga lalaking nanuntok sa walang kalaban laban na lalaki at nakita pa ito ng mga anak o pamilya niya, kung totoo man ang sinasabi sa caption.

May isa naman sa 15thousand comments ang nakapagsabing:

"Kawawa ung mga Bata.. Mga Paslit pa lang NaTRAUMA na s nakita nila.. "

Umabot na nga sa mahigit na dalawang milyon ang views sa nasabing video at libu-libong comments, likes, at shares ang naabot ng video na ito.

Check out BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Ganda ng lola n'yo! Isang 50 taong gulang na babae, nagviral dahil sa angking ganda

Ganda ng lola n'yo! Isang 50 taong gulang na babae, nagviral dahil sa angking ganda

Ganda ng lola n'yo! Isang 50 taong gulang na babae, nagviral dahil sa angking ganda
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel