Kakacute! Heart Evangelista fashionista na kahit noong bata pa sya

Kakacute! Heart Evangelista fashionista na kahit noong bata pa sya

- Ang mga fabulous throwback photos ni Heart Evangelista ay nagpapakita lang na kahit noong bata pa sya ay talaga naman fashionista na ito.

- Nanggigil ang mga tagahanga ng nagbubuntis ngayong aktres dahil sa mga napakacute na mga pictures noong bata pa sya napinost nya sa kanyang social media.

- At bukod sa pagkafashionista nya, ay talaga namang likas na maganda at chinita si Heart Evangelista-Escudero kahit noong bata pa siya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakita ng KAMI ang mga cute snaps ng throwback pictures ni Heart Evangelista sa 'YouTube' na una naman nyang shinare sa kanyang Instagram story.

Aliw na aliw ang mga tagahanga sa kanya kaya nga ay nagtrending ang video na ito sa nasabing social media site.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na isa si Heart sa mga artistang na pinanganak na mayaman na.

Ang pag-aartista ay isa lamang hobby o masasabing passion nila kaya sila pumasok rito.

At ito namay nakikita na sa mga lumang larawan na binahagi ng Kapuso star sa kanyang IG stories.

Ang isang tagahanga ay wala ng ibang masabig kung hindi:

"Kaya nga simula bata pa c heart napaka-fashionista talaga iyan hanggang nag-asawa na iyan (emoji) alam nyo naman lumaki iyan sa mayaman.. yung mga fashion nya ngayon lakas maka-Princess Kate Middleton..napaka-formal yung dressy. Kaya nga nabansagan sya stunning & classy, dahil bagay naman talaga sa kanya..at iyan ang na-obrserved ko sa kanya bilang artist & painters (emoji)"

Ikinompara pa ang aktres kay Duchess of Cambridge na si Kate Middleton.

Kahit malungkot ang mukha, napakacute pa rin ni Heart Evangelista noon.

At talaga naman, natural lang sa kanya ang maganda tingnan.

Itong post na ito sa taas ay nashare ni Heart last year noong February 21, at isang fan ang nagcomment na:

"I hope soon, you will be having a little one like this one, your own! @iamhearte"

At talaga namang natupad na ito ngayon dahil 3-month na and growing ang baby bump ni Mrs. Chiz Escudero.

Narito pa ang ibang snaps nya noong bata-bata pa sya na talaga namang pinag-uusapan.

Ayon sa nalaman namin sa online bio nya, ang totoong pangalan ng blooming na pregnant na si Heart Evangelista ay Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero at 33 years old na sya ngayon.

Visit BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!

Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!

Erwan Heussaff, prinotektahan si Anne Curtis mula sa gorilla na lumapit sa kanila!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel