Sofia Andres, umaming kumukunsulta na sa therapist dahil sa nararanasang 'anxiety attacks'

Sofia Andres, umaming kumukunsulta na sa therapist dahil sa nararanasang 'anxiety attacks'

- Sa pamamagitan ng kanyang twitter, inamin ni Sofia Andres na sumagguni na siya sa isang therapist

- Nabanggit din ni Sofia na dala ng anxiety attacks niya, pinag-aalalahanan niya ang halos lahat ng bagay

- May ilang beses nang gumawa ng ingay si Sofia dahil sa diumano ay pang-iisnab niya sa ilang fans, gayundin ang ugali raw nito na siyang naging dahilan kumbakit nawala siya sa Bagani

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumalat noon ang mga alegasyon kay Sofia Andres dahil daw sa di magandang ugali na pinakikita nito maging sa kayang mga fans.

May ilang mga nagsulputang testimonya na pinakitaan daw sila ng di maganda ng aktres, bagay na minsan nang halos aminin ni Sofia dahil sa tweet niyang "too tired of being too nice"

Ayon sa mga salaysay, 'snob' daw ang aktres at laging nasa cellphone lang niya kahit may mga press conference at interviews.

Nalaman ng KAMI na dahil marahil sa mga naglabasang alegasyon, kumunsulta na si Sofia sa therapist dahil nakararanas daw diumano siya ng mga anxiety.

Sa kanyang tweet, inamin ni Sofia na lagi na lamang siyang nag-aalala sa kahit anong bagay.

Parte raw ito ng anxiety attacks na di niya inaasahan at dumarating na lamang.

Maliban sa kanyang tweet na ito, nagbahagi rin siya ng isang mahaba-habang post na inaalay niya para sa lahat ng nakararanas din ng kanyang kondisyon.

Sa kabila ng kontrobersiya, pinasalamatan pa rin ni Sofia ang mga tagahanga niya na walang sawang sumoporta sa kanya sa kabila ng mga binabatongintriga sa kanya.

Pinatay ang karakter ni Sofia sa Bagani sa episode nito noong Abril 5.

Pinabulaanan din ng aktres na kaya siya tinanggal sa teleserye ay dahil lilipat siya sa kalabang istasyon.

Are you dreaming about a body that looks like a model but have no idea where to begin your workout? Start with our fitness challenge! Sam's Fitness Challenge Week 1 (Teaser) | BeKami on KAMI YOutube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel