Siya daw ang dapat maupo! Senior Citizen, nanigaw ng batang tinatayang nasa 5 taong gulang sa LRT para lamang makaupo siya

Siya daw ang dapat maupo! Senior Citizen, nanigaw ng batang tinatayang nasa 5 taong gulang sa LRT para lamang makaupo siya

- Isang senior ang nakunan ng video habang nakikipagtalo sa kapwa niya pasahero sa LRT

- Una na raw nanigaw ang senior citizen na pinaalis ang batang nakaupo na sa LRT para siya ang makaupo dahil nga raw senior siya

- Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen na nakapanood ng video na ngayon ay viral na

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang lalaking senior citizen at isa rin daw abogado ang nakunan ng video habang tila nakikipagtalo ito sa kapwa niya pasahero sa LRT.

Nalaman ng KAMI na bago pa man ito makipagtalo, nanigaw na raw ito ng batang tinatayang nasa limang taong gulang at pinaalis ito sa kinauupuan para siya ang makaupo.

Ayon sa facebook sa account ng isang Ian Jordan, ang katwiran daw ng matanda kumbakit niya nagawang manigaw, ay dahil siya ang senior at siya ang dapat maupo.

"Di ka bagay dito sa LRT," sabi ng isang pasahero, kung saan sinagot naman ng senior citizen ng "Sorry talgang maganda kutis ko!" na tila may kasama nang pagtataray.

Di rin tumigil ang pasahero sa pakikipag-argumarnto sa senior citizen.

"Di ako bababa sa level ninyo" sabi ng senior at sinagot naman ng pasahero na "Ay di ka nga dapat nandito sa LRT pang mahirap ito ikaw mayaman ka! Magtaxi ka, o mag-van ka"

Marahil ang nakikipagtalong pasahero ay kasama ng batang pinaalis ng senior citizen, sapagkat ginigiit nito na kung ganoon din lamang ang ugaling pinakita ng senior, sana raw di na lamang siya nag-LRT.

"Pag nakakatayo na ang bata, patayuin na!" katwiran ng senior citizen.

Patuloy parin ang patutsadahan ng dalawang sakay ng LRT hanggang sa humantong na ang usapan sa edad na di naman daw mukhang senior ang lalaki.

"Usana yan, nu skin yan!" pagmamalaki ng senior citizen kaya di raw siya mukhang matanda.

Dagdag pa ng senior, alam daw niya ang batas at di raw ito alam ng mga pasahero.

Kalaunan, pinatayo na ng kasama niya ang bata sa tabi ng senior citizen at baka raw mahawa ang bata dito.

Inamin pa ng senior na siya ay bakla at di hamak na mas maganda raw siya sa kadiskusyon ito.

"Bakla ako, may problema ka dun? Abogada pala ako, hindi abogado"

Bago matapos ang video, ay umawat na sa dalawa at sinabing nakakaabala na sila sa ibang pasahero ng LRT.

Samantala, umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

" Digital na ngayun, kuya. Famous ka tuloy"

"Abogado nga di naman alam gamitin. Nyay"

"Kapal ng mukha nitong lalaking ito. ...kahit na ikaw ay senior citizen or abogago ang ugali mo naman trapo"

"Hoy abogado hndi ka dapat sumakay sa lrt masyadong kang mayabang"

" bkit yong katabi ng bata senior n rin pero nka tayo lng sya sa tabi. bkit itong isang senior n mayan kng sumakay ng LRT parang may private sya upuan sa LRT. pwedi nman nya kandungin yung bata para mkaupo sila pareho hindi yung porke senior sya basta nlng nya aagawin pwesto ng bata. sino b naunang umupo d yung bata. attorney dpat syo nagdala ka nlng ng sarili mo car hindi yong sabihin mo pa n mayaman ka buti pa sinabi mo MAYABANG ka....nsa tama ka ba nyan senior ka p nman sabi mo nga senior ka. yong bata nag uumpisa pa lng sa buhay nya ikaw po narating mo ang idad na 60. dpat sna pinakitaan mo ng maganda yung bata... hay buhay!"

This woman is pretending she is waiting for her boyfriend to come, but these men do not seem to care. How would you react in this situation? Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? | HumanMeter on KAMI Youtube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel