Nagkasumbatan na! Sunshine Cruz, iginiit na nagtrabaho para kay Mrs. Dupaya tuwing may trip abroad

Nagkasumbatan na! Sunshine Cruz, iginiit na nagtrabaho para kay Mrs. Dupaya tuwing may trip abroad

- Nagsalita na ang aktres na si Sunshine Cruz sa tungkol sa naging pahayag ng Brunei-based businesswoman na kinasuhan nila

- Ito ay matapos magsalita sa media ang businesswoman na si Kathelyn Dupaya

-Pinabulaanan ni Sunshine ang mga naging alegasyon nito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinagot ng aktres na si Sunshine Cruz ang mga naging alegasyon ng dating kaibigan at Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya. Sinagot niya ang lahat ng panunumbat sa kanya sa lahat ng mga naibigay na sa kanya ng businesswoman.

Ayon Kay Sunshine, totoo naman daw dinala siya nito sa Paris pero dahil naniniwala siyang give and take dapat sa friendship nagbigay din daw umano siya ng Gucci antigona bag. Iniwan din naman daw siya doon kaya nag stay si Sunshine sa sister niya doon.

"Paris, yes you took me there. I was of course grateful and in return I gave you an authentic Gucci antigona bag because I always believe na ang friendship ay give and take. You left me alone in Paris after a day and I stayed with my sister for two weeks because she's based there. Singapore, yes you brought me there for two days but I hardly saw you kasi nasa casino ka and you did not want me to watch you," saad niya.

Ayon pa sa aktres, ang kanyang mga binigay ay mga regalo at iba ang utang sa regalo.

"Mrs. Dupaya, kung meron akong gusto o luho, kaya ko bilhin at hindi ko sa 'yo iaasa. Gifts are gifts, sabi mo nga at utang ay utang. Lagi mo sinasabi sa akin/sa amin yan.

Sinabi pa ni Sunshine na sana ay huwag siyang siraan.

To cut the story short, 'wag mo palabasin na ginamit o pinerahan kita dahil di ka maiiyak o masasaktan ng ganito if I was not a good friend to you. Kaya lang sana di mo ako sinaraan at nag-focus ka sa issue."

Ito ang naging sagot ni Sunshine sa mga patutsada sa kanya ni Mrs. Dupaya sa isang interview sa ABS-CBN.

“Ang pinakamasakit po sa'kin dito sa lahat ay si Sunshine Cruz po, dahil siya po ang BFF ko, araw-araw nakikita ko. Araw-araw, hindi ko po ineexpect na ilalaglag niya ako sa kabila ng lahat. Noong walang wala siya, ako po ang ka-text niya,”

Inilahad pa niya na binigay niya di umano lahat ng luho ng aktres.

“Dinala ko siya sa Europe, dinala ko siya sa Singapore, balik-balik siya sa Brunei. Lahat ng luho niya, shopping niya, lahat! Kahit sinong kaibigan niya walang gagawa sa kanya niyan," dagdag pa niya.

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla

Netizens, nag-react sa nakakaintrigang IG post ni Zsa Zsa Padilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel