Nakakabilib! 'The Voice PH' finalist kasama sa music video ng 'Black Eyed Peas'

Nakakabilib! 'The Voice PH' finalist kasama sa music video ng 'Black Eyed Peas'

- Siya ang tunay na nagwagi dahil ngayon sya ay bahagi na sa isang bagong music video ng global superstars na grupo na 'Black Eyed Peas.'

- At hindi lang sya extra, kung hindi isa din sya sa mga solo na kumakanta sa nasabing music video na ang title ay 'Ring The Alarm.'

- Hindi man sya nanalo sa 'The Voice Philippines' ay waging-wagi naman sya sa Hollywood scene dahil rubbing elbows na siya sa mga sikat.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakamangha nga ang nangyari sa isang finalist ng isang malaking reality singing compeititon ng Kapamilya network na si Jessica Reynoso.

Si Jessica ay isa sa mga unang finalists ng season 1 sa 'The Voice Philippines' at isa sya sa mga miyembro ng Team Apl.de.ap.

Nalaman ngayon ng KAMI mula sa website na 'PUSH' na ang nasabing contestant ay talaga namang swerteng nakatanggap ng pinakamalaking opoturnidad sa buhay nya bilang artist.

Dahil sya lang naman ay nagbibida sa bagong music video ng nagbabalik na 'The Black Eyed Peas.'

Shinare ni Jessica Reynoso sa kanyang Instagram account ang clip ng nasabing video na ngayon ay umabot na sa mahigit na 2 million views sa 'YouTube.'

Ito ay bahagi ng bagond album ng naturang sikat na grupo na may title na 'Ring The Alarm.'

Sa caption nya dito ay nagpasalamat siya na naging bahagi siya sa proyektong ito.

Hindi man pinakita ang kanyang mukha pero pinapakinggan na ang kanyang boses sa buond mundo.

Dahil dito ay may haka-haka na baka siya ang papalit kay Fergie na umalis na sa grupo pero wala pa naman daw na kumpirma.

Si Jessica Reynoso ay 16 years old lang noong sumali sya sa 1st season the 'The Voice of the Philippines' kung saan nya unang nameet si Apl.de.ap.

Ayon pa sa balita, nangako pa lang ang coach na makikilala siya sa international scene at ito nama'y talagang tinupad ni Coach Apl.de.ap.

Tinupad talaga ni Apl.de.ap ang promise nya kay Jessica Reynoso dahil daw ay pumirma ito sa music label na 'BMBX' noong 2014.

Marami na din syang shows na nakantahan kasama ang grupo.

Nagpeperform na din pala siya sa mga iba't-ibang shows sa Amerika bago pa man naging bahagi sa 'Ring The Alarm' na music video ng 'The Black Eyed Peas.'

Muling tingnan ang kanyan blind audition sa 'The Voice PH' sa baba na video.

At lahat ng mga kaibigan at tagahanga ay bumilib talaga sa kanya.

Narito ang ilan sa mga komento mula sa post nya:

"Noooowaaaayyyy (emojis) so proud of you girl (emoji)"
"I was like...that voice sounds familiar (emoji)"
"SOOOO PROUD!!!!!"
"MG!!!!(emojis) Congrats Jessica! I knew it was coming! (emojis)"
"We love you... Congratz... sister... proud of you."

Watch more BeKami YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks

Pinay , halos ikamatay na raw ang matinding pag-inom ng softdrinks
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel