Nakaka-inspire si Kuya! Grab driver, nagmamalasakit na magsakay ng mga pasahero pauwi ng 'libre'

Nakaka-inspire si Kuya! Grab driver, nagmamalasakit na magsakay ng mga pasahero pauwi ng 'libre'

- Viral ngayon ang kwento ng isang Grab Driver na si Romulado Alabarca na di namimili ng pasahero at nanlilibre pa ng pamasahe pauwi

- Ayon kay Romualdo, palagian niya itong ginagawa lalo na kung pauwi naman na siya sa Cavite

- Tunay na hinahangaan ang pagmamalasakit na ito ni Romualdo sa kapwa Pilipino lalo na sa hirap ng pagko-commute sa kamaynilaan kaya naman umabot ng halos 2 milyon views ang video ng panayam sa kanya

Tunay na kahanga-hanga ang pagmamalasakit na ginagawa ng 63 taong gulang na Grab driver na si Romualdo Alabarca.

Nalaman ng KAMI na siya pala ang Grab driver na naghatid ng pasahero mula Taft Avenue Manila hanggang Bacoor Cavite ng 'libre'.

Ayon sa kwento ni Mang Romualdo sa Philstar, Nagbook daw ang pasaherong ito na ang pick up ay sa Market! Market! at ang baba sana nito o drop off ay sa Taft Avenue Manila.

Nakaka-inspire si Kuya! Grab driver, nagmamalasakit na magsakay ng mga pasahero pauwi ng 'libre'

image: philstar/facebook

Pagsakay pa lang ng pasaherong ito, agad nitong nabanggit "antagal ko nagbook! buti tinanggap mo ako kuya."

Sinabi ni Romualdo sa pasahero na di naman daw siya namimili talaga at kung ano ang puasok sa app na nangangailangan ng sakay, yung ang pinipili niya.

Sa medyo mahaba-habang biyahe ay naka-kwentuhan ni Romualdo ang pasahero at nalaman niya na di lang pala sa Taft ito umuuwi, sa Cavite pa pala.

Inalok ni Romualdo na sumabay na lamang ang pasahero sa kanya dahil pauwi na rin naman siya sa Cavite.

"Sumabay ka nalang sakin, papauwi naman na ako dumerecho na lang tayo."

Laking gulat pa ng pasahero na di na siya siningil pa ni Romualdo ng pamasahe mula Taft hanggang Cavite

"Huwag mo nang bayaran yung padiretso, yung naka-book na lang," ani Romualdo.

Di dito nagtatapos ang pagpapakita ng kabaitan at malasakit ng Grab Driver, nag-pick pa sila sa Baclaran ng 3 pang pasahero na pwede nilang maisabay pauwi ng libre.

Ito na raw pala talaga ang nakagawian ni Romualdo mula nang maging driver siya, ang magsakay ng pasahero na maisasabay niya pauwi at kahit di na ito magbayad.

"Yun lang ano, magpasalamat lang, ano na sakin yun...masaya na ako nun," naiiyak na sinabi ni Romualdo.

"Kinakawayan ka nila, naaawa din ako sa kanila" dagdag pa niya.

Ngunit, minsan naiisip din ni Romualdo kung mayroon pa kayang ibang tao na nagmamalasakit din tulad niya.

Naisip din kasi niya, paano kaya ang pamilya niya, at nasa ganoong sitwasyon na hirap sumakay pauwi sa kanila.

"Masaya ako na nalulungkot, naisip ko paano yung pamilya ko kapag ganyan walang masakyan.. may magsasakay pa kaya?" pag-aalala din ni Romualdo.

Narito ang video ng panayam kay Romualdo na nakuha ng KAMI sa facebook ng Philippine Star.

Sadyang bibihira na ang kagaya ni Mang Romualdo na isang patunay na may mga natitira pang mabubuting loob sa ating mundo.

Lalo na ngayon, sa panahon na mainit ang isyu ng mga taxi drivers dito sa Pinas, bayani nang maiituturing si Mang Romualdo sa kanyang munting paraan.

"Dapat kahit sa maliit na paraan, gumawa sila ng tama," pagtatapos ni Romualdo.

This woman is pretending she is waiting for her boyfriend to come, but these men do not seem to care. How would you react in this situation? Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? | HumanMeter on KAMI YOutube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Marian Rivera at Kapuso stars buong suporta kay Dingdong Dantes para sa YesPinoy

Marian Rivera at Kapuso stars buong suporta kay Dingdong Dantes para sa YesPinoy

Marian Rivera at Kapuso stars buong suporta kay Dingdong Dantes para sa YesPinoy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel