Alamin ang 5 na napatunayang benepisyo daw ng Guyabano

Alamin ang 5 na napatunayang benepisyo daw ng Guyabano

- Dahil sa maraming sakit na ang lumalabas ngayon ay nakakutawa at nakakabuhay loob ng malaman na meron pa lang mga benepisyo na ating makukuha sa pagkain lamang ng guyabano.

- Mataga-tagal na rin nating naririnig ang mga masustansyang mga bitimina at nutrients na makukuha sa soursop o mas kilala natin bilang guyabano.

- Ayon sa nakuha naming impormasyon, nalamin ng KAMI ang lima sa labing-dalawang benepisyo na ating makukuha sa prutas na ito sa 'Istorya Kalusugan' website.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang guyabano daw ay matagal ng ginagamit ng mga tao para diumano'y malunasan ang napakaraming klase ng sakit na gaya ng iba't-ibang sakit sa balat, parasitic infections at maging ang jaundice.

Ngayon daw ay mayroon ng ilang siyentipikong pag-aaral tungkol sa guyabano na nagpapakita ng bisa bilang gamot at paglunas ng ilang sakit gaya ng arthrities, diabetes, at kanser.

Narito ang 12 na mga benepisyo sa kalusugan na makukuha daw natin sa guyabano:

Ating alamin ang 5 na napatunayang benepisyo daw ng prutas ng Guyabano

Credit: Pixabay/alidaferreira1985

5. Paglaban sa sakit ng kanser

Ayon sa artikulo, isa daw sa mga sikat na rason kung bakit ang guyabano ay nakakuha ng malaking atensyon ng siyentipiko ay dahil sa diumano'y malakas na epekto nito sa paglaban sa sakit na kanser.

4. Pinipigilan nito ang pamamaga

Halos lahat ng mga sakit sa isang banda o mas higit pa ay magkakaugnay at lahat ng ito ay mayroong reaksyon na namumula or pamamaga.

3. Nakakatulong sa pagkontrol ng blood sugar o diabetes

Ang katas daw ng prutas ng guyabano na walang buto ay pwede na makatulong diumano'y sa pagkontrol ng blood sugar pagkatapos daw kumain ng isa kainan.

2. May kakayahan daw na maprotektahan ang atay

May mga pananaliksik daw na nagpapakita na sinusuportahan ang katas ng prutas na ito ang kalusugan ng atay at protektahan din laban sa chemically-induced na pagkasira.

1. Nagbibigay din daw ng proteksyon sa katawan laban sa impeksyon

Ang katas na nakukuha mula sa dahon ng prutas ng guyabano ay nagpapakita ng toxicity laban sa mga bakterya at mga virs na siyang nagdudulot ng ilang mga sakit gaya ng malaria at herpes.

Ating alamin ang 5 na napatunayang benepisyo daw ng prutas ng Guyabano

Credit: Pixabay/Dirgon

Marami pang mga benepisyo na nakukuha sa prutas ng guyabano pero ilang clinical tests pa rin ang kailangang gawin para lalong mapagtibay ang mga ito.

Babala din daw, na ang buto ng guyabano ay mayroong sangkap na neurotoxins na isang lason daw na nakakasira sa nerve tissue.

Kaya naman mas makabubuti pa rin na limitahan ang pagkonsumo, pagkain, o paggamit sa pagkain na ito at dapat din alamin kung pwede ba ito sa inyo o hindi lalo na pag may gamot kang iniinom.

Mas mainam ay kumunsulta sa doktor.

Watch BeKami videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Manila Guide: 8 amazing events in Metro Manila this week, September 24 to 30

Manila Guide: 8 amazing events in Metro Manila this week, September 24 to 30

Manila Guide: 8 amazing events in Metro Manila this week, September 24 to 30
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel