Nag-ingay ang mga tagahanga ng naispatan si Beauty Gonzalez sa 'GMA' compound

Nag-ingay ang mga tagahanga ng naispatan si Beauty Gonzalez sa 'GMA' compound

- Pinag-uusapan ngayong ang Kapamilya aktres ng 'Pusong Ligaw' dahil nakita daw ito sa compound ng Kapuso network.

- Ayon sa balita na nakuha ng KAMI sa 'PEP,' naispatan daw sa 'GMA' compound ang aktres kasama ang kanyang manager na si Arnold Vegafria noong May 29, 2018, Linggo.

- Kaya ang haka-haka ngayon ay lilipat daw ang nasabing aktres na unang nakilala bilang housemate ni Kuya sa 'Pinoy Big Brother.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang malaking tanong ngayon ng mga tagahanga ay kung lilipat ba si Beauty Gonzales sa 'GMA-7.'

Ito ay dahil naispatan ang nasabing aktres na nagmeeting daw siya kasama ang kanyang manager at top executive ng Kapuso Network, ayon sa source ng 'Philippine Entertainment Portal.'

Kaya naman daw any nagpadala ng direct na mensahe ang naturang media outlet kay Beauty sa Instagram account nito patungkol daw sa pagbisita nya sa bakuran nga Kapuso.

Pero parang wala pa yatang tugon o sagot ang nasabing aktres.

Nabigyan sya ng iba't-ibang supporting roles sa mga teleserye kagaya ng 'Iisa Pa Lamang' noong 2008, 'Tayong Dalawa' noong 2009, 'Precious Hearts Romance: Alyna' noong 2010, 'Mula sa Puso' noong 2011, 'Angelito: Batang Ama' noong 2011, 'Angelito: Bagon Yugto' noong 2012, at ang 'Moon of Desire' noong 2014.

Naging sikat na bestfriend din sya kay Toni Gonzaga sa blockbuster movie na 'Starting Over Again.'

Noong 2014, naging leading lady sya kay Zanjoe Marudo sa 'Dream Dad,' at naging lead mother role sa daytime series noong 2015 na 'Ningning.'

Nagka-anak at nag-asawa at noong 2017 ngay naging main lead sya ng 'Pusong Ligaw' sa afternoon series ng Kapamilya na nagtapos noong January ngayong taon.

Ngayon ay isang dekada na ang aktres sa showbiz.

Visit BeKami YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition

Netizens, nawindang sa slow-mo twirl ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018 preliminary competition
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel