9 na Celebrity momshies inaasahang magsilang ngayong taon

9 na Celebrity momshies inaasahang magsilang ngayong taon

- Maraming mga celebrity babies ang nakatakdang ipanganak ngayon taon

- Ang ilan pa sa mga pinay celebrities na ito ay first time mommies na excited nang makita ang kanilang baby

- Una nang nanganak kamakailan si Momshie Jolina Magdangal sa kanyang cute na baby girl na Vika

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nauna na ngayong taon magsilang ng kanilang mga cute na cute na babies sina Isabelle Daza, Saab Magalona at kamakailan lamang ay si Momshie Jolina Magdangal.

Nalaman ng KAMI na may ilan pang inaasahang celebrity momshies na manganganak ngayong taon.

Ang ilan pa sa kanila ay mga first time moms na tiyak na excited nang masilayan ang kanilang unang baby.

Narito ang nakalap mula ABS-CBN news na 9 na expectant moms ngayong taon

1. Ellen Adarna

Bagaman at hanggang ngayon at wala pa ring pag-amin na nagaganap sa kanyang pagdadalang tao, mangilan-ngilang ebidensya na ang lumabas na buntis nga si Ellen. Kamakailan ay napabalitang nanganak na ito na mariiing itinanggi naman ng ilan sa kanyang malalapit na kaibigan.

2.Iya Villania

Dalawang taon matapos dumating sa buhay nila ng kanyang mister na si Drew Arellano ang kanilang panganay na si Primo Antonio, nagdadalang tao na si Iya sa pangalawang baby nila.

3. Gee-Ann Abrahan

Inanunsyo ng ex-PBB housemates na sina Gee-ann at Mickey Perz ang pagbubuntis dalawang buwan matapos nilang makumpirma ito sa takot na baka makunan ulit si Gee-Ann gaya ng nangyare sa kanya dalawang taon na ang nakalilipas. Ngayon, doble ingat na silang dalawa para masilayan na ang unang baby nila.

4.Precious Lara Quigaman

Sa oktubre inaasahan nina Precious Lara at mister nitong si Marco Alcaraz ang kanilang pangalawang anak. Ang kanilang panganay na si Noah ay 5 taong gulang na.

5. Michela Cazzola

Nito lamang Abril inanunsiyo nina James Yap at partner nitong si Michela Cazzola na nagdadalang tao ito sa kanilang baby number 2.

6. Jewel Mische

Ang dating kapamilya star na ngayon ay naka-base na sa US kasama ang kanyang mister ay 8 buwang buntis na sa kanilang panganay.

7. Heart Evangelista

Ito na raw ang 'God's perfect timing' sa kanyang pagbubuntis na pinaglaanan talaga ni Heart.

Nagpahinga talaga siya sa showbiz para bigyang daan ang kanyang pagbubuntis. Kambal sana ang inaasahang panganay nina Heart at asawa nitong si Senator Chiz Escudero, sa kasamaang palad, nawala ang isa sa kambal. Gayunpaman, halatang excited na ang Kapuso actress dahil sa pagbibigay niya ng updates ng paghahanda niya para sa first baby.

8. Bianca Gonzales

Nito lamang Miyerkules nang inanunsiyo ni Bianca na magiging 'ate' na ang panganay nila ni JC Intal na si Lucia.

9. Sitti Navarro

Ang nag-iisang Bosa girl na si Sitti ay isa rin sa mga first time moms sa taong ito.

Are you dreaming about a body that looks like a model but have no idea where to begin your workout? Sam's Fitness Challenge Week 1 (Teaser) | BeKami on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel