Lalaking na-depress at naging palaboy, nahanap at kinalinga ng kanyang mga tropa

Lalaking na-depress at naging palaboy, nahanap at kinalinga ng kanyang mga tropa

- Umabot sa mahigit 2 milyon na views ang video kung saan nahanap nina Jhun Mahinay at kanilang barkada ang kaibigan nilang si Jappy na nabalitaan nilang naging palaboy na lamang

- Dumaan daw pala sa matinding depression si Jappy at sinukuan na raw ito ng mga kaanak niya kaya naman naging palaboy na lamang ito at wala na sa katinuan

- Nagtulungan ang mga tropa ni Jappy sa Marikina na mahanap siya at pagmalasakitan dahil naging mabuting kaibigan din naman sa kanila si Jappy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagviral ang isang video na binahagi ni Jhun Mahinay kung saan pinakita niya kung paano nila nahanap ang matagal na nilang nawawalang kaibigan na si Jappy.

Nalaman ng KAMI na wala na pala sa katinuan si Jappy kaya naman naging palaboy ito ng lansangan.

Ayon pa sa ABS-CBN news, nakasama sa isang segment ng Rated K ang pagsagip ng magtotropa kay Jappy.

Kwento ng pinsan ni Jappy nagkaroon daw ng depression si Jappy nang mamatay ang matalik nitong kaibigan.

Sinubuakang dalhin ni Oscar si Jappy sa kapatid nito sa Cainta sa pag-aakalang bubuti ang kanyang sitwasyon ngunit lalo lamang itong lumalala.

Kaya naman dinala na lamang si Jappy ng kanyang kapatid sa Samar ngunit mas tumindi ang kalagayan ni Jappy dahil lagi na lang itong galit, mainitin ang ulo at laging binabanggit ang mga pangalan ng kanyang tropa na naiwan sa Maynila.

Kaya naman pinaluwas na lamang si Jappy ng kanyang ina pabalik ng Maynila dahil akala niya na mas makakatulong ito sa anak.

Pagdating ng Maynila, doon nakitang nagpalaboy laboy na lamang pala si Jappy at nabalitaan ito ng kanyang mga kaibigan.

May nagpadala ng mensahe at larawan ni Jappy sa isa sa mga kaibigan nito na si John Baloloy kung saan nakita raw nila si Jappy na palaboy laboy na lang sa lansangan.

Kaya naman agad na umaksyon ang magkakaibigan para hanapin si Jappy at sa kahabaan ng Commonwealth Ave. nila natagpuan si Jappy.

Ibang iba na si Jappy nang makita siya ng kanyang tropa sapagkat ito ay madungis, ilap sa tao at palaboy na talaga ito.

Masayang naluluha raw ang magkakaibigan nang makita si Jappy.

Pinakain nila si Jappy at kahit di ito masyadong nagsasalita, pansin ng magkakaibigan na ito rin ay naluluha marahil dahil nakikilala naman ni Jappy kahit na paano ang kanyang mga kaibigan.

Pinaliguan, niinisan at binihisan ng magkakaibigan si Jappy at pinasyal pa nila ito para naman maramdaman niya na bahagi parin siya ng kanilang pagkakaibigan.

Sa malasakit din ng kanyang mga kaibigan, naipatingin si Jappy sa isang espesyalista.

Chronic Schizophrenia pala ang kondisyon ni Jappy kung saan ang kanyang nakikita at nararamdaman ay iba sa realidad.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na si Jappy ng kanyang mga kaibigan.

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? | HumanMeter on KAMI Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay

SUV na may plakang no. 8 mula sa viral video, nag-iba na raw ang kulay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel