Sunshine Cruz, nagalit sa nandadawit sa anak niya sa isyung kinasasangkutan ni Cesar Montano

Sunshine Cruz, nagalit sa nandadawit sa anak niya sa isyung kinasasangkutan ni Cesar Montano

- Muling nasubok ang pagiging ina ni SUnshine Cruz sa kanyang mga anak

- Lalo na at nadadamay ang kanyang mga anak sa naging isyung kinasangkutan ng dating asawa

- Dagdag pa ng aktres, siya ang nagbigay ng lahat ng pangangailang ng kanyang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang isang ina na handang gawin ang lahat upang mapabuti ang anak, inalmahan ni Sunshine Cruz ang mga taong nambabash sa dating asawa na pati diumano ang kanilang mga anak ay kanilang idinamay.

Sa isang mahabang post, inihayag ng aktres ang kanyang saloobin sa lahat ng hirap na pinagdadaanan ng kniyang mga anak.

Ipinagtanggol ni Sunshine ang mga anak na umano'y nahiya dahil sa isyung kinasangkutan ng kanilang ama.

Ito’y may koneksyon pa rin sa kinasasangkutang kontrobersya ni Buboy tungkol sa Buhay Carinderia project ng Tourism Promotions Board.

Nag-resign na si ang aktor sa kanyang posisyon.

Mapapalagpas umano ni SUnshine ang mga masasakit na salita kung sa kanya lang ito ipinukol ngunit hinding hindi daw kapag anak niya na ang nadadamay.

Sabi ko nga, kung ako lang okay lang pero pagdating sa mga anak natin medyo pumipitik tayo.”

Ibinahagi niya rin na pinagsikapan niyang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang anak matapos silang maghiwalay ng dating asawa.

“I just have people let to know na ultimo pagkain, damit, kotse ng anak ko, ako naman ang nag-provide para sa kanila,” saad ni Sunshine sa isang panayam.

“Kasi yung mga anak ko may controversy na naramdaman, sabi ko ‘anak there’s nothing to be ashamed of, you know it’s mom who buys, food, clothes and even your car.’

Kahit pa nagkasamaan sila ng loob, sinabi ng aktres na pinagdadasal nila si Cesar.

“Sabi ko pa sa kanila ‘let’s just pray for him, he’s your father.’ Kaya masakit lang talaga sa akin na yung mga anak ko nasasabihan ng mga ‘Dugo kayo ng magnanakaw.’ They don’t deserve that, masakit ‘yun,” dagdag pa niya.

May tatlo silang anak ni Cesar, sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska.

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit?- on HumanMeter

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? Find out more in this video.

Source: Kami.com.ph

Related news
Assunta de Rossi naging leading men ang mag-amang Bong at Luigi Revilla

Assunta de Rossi naging leading men ang mag-amang Bong at Luigi Revilla

Assunta de Rossi naging leading men ang mag-amang Bong at Luigi Revilla
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel