Di nakalimot! College friends, dinala ang larawan ng namayapa nilang tropa sa kanilang graduation day

Di nakalimot! College friends, dinala ang larawan ng namayapa nilang tropa sa kanilang graduation day

- Sa mismong araw ng graduation day nila, isinama nila Ara Pineda at kanyang tropa ang larawan ng isa sa kanilang kaibigan na namayapa

- Binahagi ni Ara ang larawan ng mismong graduation day nila kung saan hawak nila ang larawan ni Arman John Marcelo

- Ang iba nilang kaibigan ay nagpost din ng pagdalaw nila sa puntod ni Arnold kung saan sila ay nakasuot ng toga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang isang larawan sa twitter na binahagi ni Ara Pineda at Gian Cruz kung saan hawak nilang magkakaibigan ang isang larawan sa kanilang graduation day.

Nalaman ng KAMI na ang nasa larawan pala ay si Arman John Marcelo, ang kaibigan nina Ara na namayapa na.

Ayon sa Pilipino scoop, di nakalimot sina Ara at kanyang mga tropa sa isa nilang kaibigan na sana ay graduate na rin sa araw na iyon.

Sa kanyang twitter, sinulat ni Ara "Bro, graduate na tayooo!!! Woooh!"

Dinalaw din nina Ara at kanyang tropa ang mismong puntod ni Arman at suot suot nila ang kanilang toga habang nagpa-picture pa rin sa larawan ng kanilang kaibigan.

Isa rin sa kanilang tropa na si Gian Crua ang nagbahagi ng larawan nilang kasama ang framed picture ni Arman kung saan silang magkakatropa naman ay nasa stagr ng PICC kng saan ginanap ang kanilang pagtatapos.

Samantala, umani naman ng positibong komento ang mga post na ito ng magkakaibigan.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Naiyak ako ate, congrats sa inyong lahat, u deserve it!"

"Hala, sweet! nakakiyak to! shiz ate ara and her gals is so sweeeettt!"

"You guys are the sweetest!"

Umabot na sa 47 comments, 953 retweets at 15, 065 na likes ang post na ito ni Ara.

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa

Misis, sinilaban ng sariling asawa. Anak nila, nadamay pa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel