Chiz Escudero, binili agad ang pinaglilihian ni Heart Evangelista, pero umatras sa isa

Chiz Escudero, binili agad ang pinaglilihian ni Heart Evangelista, pero umatras sa isa

- Ngayong buntis na si Heart Evangelista sa panganay nila ni Chiz Escudero ay mukhang spoiled at pampered talaga ito

- May isang craving si Heart na agad naman binili ng senador

- Pero inatrasan niya ang isa nitong request

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mukhang sobrang alaga talaga ni Chiz Escudero ang kanyang misis na si Heart Evangelista lalo pa ngayon na buntis na ito sa kanilang panganay.

Nalaman ng KAMI na may naging requests si Heart kamakailan lang. Pinagbigyan ni Chiz ang isa pero umatras sa isang request niya.

Nag-crave ang Kapuso actress sa burger steak ng Jollibee at agad-agad naman itong binili ng kanyang asawa. Shinare pa ni Heart ang photo cute na photo na ito at nakalagay ang "Aww he still got me my burger steak."

Ibinahagi naman niya ang nakakatawang palitan nila ng text messages mag-asawa kung saan ang bilis ng pagtanggi ni Chiz sa pangalawang request ni Heart, na inulat ng GMA.

Matapos niya mag-request ng burger steak ay sinundan niya ito ng banat na, "Babe I'm craving for a bag also" at ang nakakatawang sagot ni Chiz ay, "hahaha.... asa....."

Nilagay naman ni Heart ang caption na, "Ay akala ko puwede lahat... Now I know my limits."

Kinasal si Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa Balesin Island Club noong February 15, 2015. Si Chiz ay meron ng dalawang anak sa una niyang asawa na si Christine Elizabeth Flores.

Isang araw bago ang Mother's Day ay isinapubliko ni Heart ang kanyang pagbubuntis. Ipinaalam din niya na dapat ay kambal ang kaniyang pinagbubuntis, ngunit nawala na ang isa dito dahil sa tinatawag na "Vanishing Twin Syndrome."

Today, we are going to ask individuals from the Philippines whether they think a tomato is a fruit or a vegetable. What is your opinion? Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer?

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel