Pinoy, nag-viral nang manood ng TV na naka-display sa isang mall habang nakahiga sa sahig

Pinoy, nag-viral nang manood ng TV na naka-display sa isang mall habang nakahiga sa sahig

- Nagviral ang isang lalake na pumunta sa mall

- Makikita kasi sa photos niya na nakahiga siya sa sahig ng mall habang nanonood ng TV na naka-display doon

- Mixed reactions ang netizens ukol sa photos niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming Pinoy ang mahilig pumunta sa mga malls para mag relax, kumain, bumili o kaya naman ay manood ng sine.

Pero napagalaman ng KAMI na meron din palang pumupunta ng mall para manood ng telebisyon.

Sa isang Facebook post ng Filipino Channel Online, nag-viral ang photos ng isang lalaking nakahiga sa sahig ng mall habang nanonood ng telebisyon na naka-display sa isang electronic store.

“Done dance contest rest day, let’s do Rest Day Challenge,” sinulat ng nag-post.

Mixed naman ang reactions ng netizens sa photos ng lalake:

“Marami ang nag-iwan ng komento sa post.”

“Gumawa kayo ng batas na bawal humiga sa sahig at manood ng tv... bawal bitter sa pinas... hayaan nyo si kuya... napasaya nya kami.... malaki problema ko ngumiti ako nung nakita ko to...”

“Nag papansin lang yan.. pansinin nyo e share nyo para maging viral! Hai may mga tao nga nman na gagawin kahit ano mapansin lang.”

“hayaan nyo nalang hoo guys di naman ibig sabihin nyan eh papansin sya at tambay sa buhay, wala naman po syang ginagawang masama eh, yung iba talaga kung san ka masaya don sila galit”

“As long as na hindi kayo apektado sa ginagawa ng isang tao wag kayo mag react ng negative. Kanya kanya tayo ng trip sa buhay, kaya di umaasesnso ang pinas daming pakilamero sa paligid.”

Nagpapaalala ang KAMI na maaaring maka-istorbo ang paghiga sa sahig ng mall dahil nakukuha ang space na dapat sana ay lakaran ng mga mallgoers.

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? – On KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel