Traffic enforcer, inakusahang nangongotong dahil sa video na nakuha sa aktong humihingi siya ng 2,000PHP

Traffic enforcer, inakusahang nangongotong dahil sa video na nakuha sa aktong humihingi siya ng 2,000PHP

- Nakunan ng isang nahuling motorista kung paano sila hinihingan ng isang traffic enforcer ng 2,000PHP para di na raw sila mabigyan ng tiket sa paglabag nila sa traffic regulation

- Noong una ay 2,000PHP ang hinihingi nito ngunit natawaran ng pasahero ng 1,000PHP

- Napansin ng traffic enforcer ang camera, kaya di na natuloy ang panghihingi ng pera at tinuloy na lamang ang pagbibigay ng tiket

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang Anthony Enriquez ang nagbahagi ng video kung paano nakipagnegosasyon ang isang traaffic enforcer na nangongtong sa motoristang nagkaroon ng traffic violation.

Nalaman ng KAMI 2,000PHP daw ang hinihingi ng traffic enforcer para matapos na daw ang kanilang diskusyon at kakausapin na lamang ang ibang mga kasama tungkol dito.

Nakuha pang tumawad ng kalahati o 1,000PHP ng nahuling motorista na noon ay nakatutok na ang camera sa nakikipagnegosasyon na traffic enforcer at driver.

Kakagatin na sana ng pulis trapiko ang 1,000PHP ngunit napansin nito nakinukunan siya ng video ng pasahero na siyang ikinagalit niya.

Ayon pa sa traffic enforcer, sila na raw ang tumutulong, sila pa ang napapasama.

Sa galit at di agad binaba ng pasahero ang camera, tinuloy na lamang ng traffic enforcer ang pagbibigay ng tiket sa motorista.

Narito ang video na nakuha ng KAMI sa facebook ni Anthony Enriquez.

Samantala, umani ng iba't ibang reaksyon ang sitwasyong ito na karamihan at kinainis ng mga nakapanood.

"Biglang kumambiyo si forcer ng nakita may nag vivideo sa kanya, nag gagalit galitan na naging pang famas na ang arte"

"mga kotongg na ENFORCER , d pa rin naubos , dapat sana myroon clang self cmera pra mlaman gnagawa nilang kgaguhan "

"Mas matindi po dito sa Commonwealth yung trapic enforcer nag ssugal sa keno kahit nka uniform tapos pag natatalo yung mgagalit n sa teller tpos pag may nkitang kalat n papel aba matindi tinikitan n yung tiller khit d naman dapat"

"Nako ang dami jan. Muntik nadin ako jan. Sinisilip nila yung loob nung nakita nila N may foreigner ako kasama kung ano ano na diskarte at madami daa ako bawal na ginawa. Nung tinanong ko at nag video ako, sabi sakin wag konalang daw uulitin at pinaalis nako."

"Mamang inforcer hnd ka tumutulong komukotung ka"

How safe is Manila for girls at night? Social Experiment: Is Manila Safe at Night for Women in 2018? | HumanMeter on KAMI Youtube Channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakaka good vibes ang Moreno-Alapag family dahil sa kanilang 'Kiki Challenge' video

Nakaka good vibes ang Moreno-Alapag family dahil sa kanilang 'Kiki Challenge' video

Nakaka good vibes ang Moreno-Alapag family dahil sa kanilang 'Kiki Challenge' video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel