Kumakalat ang 'CCTV stills' daw ng isang public official na pinaratangan ni Akbayan Rep Villarin na diumano'y nagtangkang nakawin ang kanyang iPhoneX

Kumakalat ang 'CCTV stills' daw ng isang public official na pinaratangan ni Akbayan Rep Villarin na diumano'y nagtangkang nakawin ang kanyang iPhoneX

- Nakita ng KAMI ang mga nasabing CCTV stills sa official Facebook page ng 'Rappler' at ayon sa caption nila tungkol dito ay ito daw ang mga kuha sa mga footages sa nasaad na reklamo galing kay Akbayan Rep Tom Villarin.

- Pagpapatuloy ng balita, ang nasabing representative ay naghain ng reklamo sa pagnanakaw laban kay 'DOLE' Usec Jing Paras na sinasabi ni Villarin na sinubukang nakawin ang kanyang napakamahal na telephone na naghahalagang 74, 000 pesos.

- Ito daw ang nangyari sa committee hearing pero itoy isang paratang na tinanggihan ni Labor Usec Paras.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noong May 29, nagpadala daw si Villarin ng kopya sa mga reporters tungkol sa reklamong ito na finile niya kamakailan lang laban kay Paras sa 'Office of the Prosecutor' sa Quezon City.

Ayon sa reklamo ni Villarin, sinabi nya rito na si Labor Undersecretary Paras ay lumapit daw sa kanya sa panahon ng 'House Labor Committee's Hearing' sa 'De Venecia Hall of the House of Representatives' noong March 20.

Ito na nasa itaas ang sinasabing post na naging viral na ngayon.

Ang mga larawang ito daw ay ang mga 'CCTV stills' sa sinasabing reklamo ni Villarin.

Ayon sa representaive, hindi daw niya kilala personally si Usec Paras pero ito daw ay bumati sa kanya at nagsabing:

"Kayo pala ni Senator [Risa] Hontiveros [ang] magkasama (You and Senator Risa Hontiveros are colleagues)."

Habang nakikipag-usap daw ang Labor Undersecretary kay Villarin, ito daw ay diumano'y nilagay ang cellphone sa ibabaw ng kanyang iPhoneX, na nasa ibabaw daw ng misa ng mambabatas.

Pagkatapos daw ay pinulot ni Paras ang dalawang cellphone sa lamesa at umalis ng 'De Venecia Hall' at pumunta daw sa 'Zulueta Hall' sa 2nd floor.

Ayon din sa salaysay ni Rep Villarin, na nalaman nalang daw niya na nawawala ang phone nya at nagtanong sa miyembro ng kanyang staff para tawagan daw ang phone nya.

Ang sabi nya, pagkatapos ng ilang pagtawag ay sinagot daw ang tawag sa kanyang iPhoneX ng isang miyembro ng 'House of Legislative Security Bureau (LSB) na nandoon daw sa mga oras na iyon sa 'Zulueta Hall.'

Ayon sa salaysay ni Villarin, nakita daw ng security officer ang cellphone nya sa ibabaw ng mesa na ini-occupy daw ni Paras sa nasabing hall.

Nagpakita ang mambabatas ng 4 na screenshots na galing daw sa 'closed-circuit television footage' na kinunan sa loob ng 'De Venecia Hall' para daw masuportahan ang kanyang mga pahayag.

Pagsasaad ni Villarin:

"It should also be emphasized that, even assuming the cellular phone was taken by accident, the Respondent neither returned it to the Complainant nor to the local authorities. Instead, he abandoned it on top of the table he was occupying in another room of the same building."

Dagdag pa sa balita:

"Considering the foregoing, it is respectfully submitted that the Complainant has adduced sufficient evidence to establish that probable cause exists to indict the Respondent for theft, as defined in Article 308 of the Revised Penal Code."

Watch more HumanMeter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dapat daw! Valerie Concepcion ibinunyag ang major gusto sa January 2020 wedding

Dapat daw! Valerie Concepcion ibinunyag ang major gusto sa January 2020 wedding

Dapat daw! Valerie Concepcion ibinunyag ang major gusto sa January 2020 wedding
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel