Nakakaiyak talaga! Video ng paglabas ni JM de Guzman sa rehab, nag-viral

Nakakaiyak talaga! Video ng paglabas ni JM de Guzman sa rehab, nag-viral

- Lumabas ang video ng madamdaming paglabas sa rehab ni JM de Guzman

- Talagang nag-viral ang video na ito

- Nag-react ang maraming netizens sa nakakaiyak na tagpo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending ngayon ang video ng paglabas ni JM de Guzman sa rehab at talaga namang nag-viral ito.

Nalaman ng KAMI na shinare ito ng ama ni JM na si Ronniel de Guzman, matapos mapabalita na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Nakakaiyak talaga! Video ng paglabas ni JM de Guzman sa rehab, nag-viral

Nakakaiyak talaga! Video ng paglabas ni JM de Guzman sa rehab, nag-viral (Photo: PhilStar)

Makikita sa video na ito ng YouTube channel ng Sikat Trendz ang isang madamdaming tagpo sa buhay ng Araw Gabi star. Punong-puno ng emosyon ang aktor pati na ang kanyang mga magulang sa video.

Matatandaang lumabas si JM sa rehab nitong January 16 ng kasalukuyang taon.

Ito naman ang pahayag ng ama ni JM matapos mapabalita na diumano ay pinaringgan niya si Angelica Panganiban. Ayon sa mga report, hindi raw nagustuhan ni Ronniel na nagkaroon ng drinking session sina Angelica at JM kasama ang ilan pang mga kaibigan.

“Kaya masakit sa bangs pag may nangyari pa uli kay JM. We’ve come so far. Sana maintindihan nyo ako. I’m sorry kung may nasaktan akong mga tao na alam ko malapit sa puso ng anak ko.

“More than two years ago our family went through a very important journey with JM. Today we reminisce our first reunion with him with this video which was taken 5 months after he entered the place that brought back my son. As JM embarks on his new journey, we continue to pray and wish him the strength of mind, heart and body.

“We will continue to walk this journey with you and will always be here for you anak. Continue to make us proud. We love you @1migueldeguzman! #lightupthedarkness”

Watch the video below:

Maraming netizens ang naiyak sa madamdaming tagpo sa buhay ni JM. Lahat sila ay iisa lang ang wish para sa aktor, na sana ay magtuloy-tuloy na ang kanyang pagbabagong-buhay.

Read some of the comments from netizens below:

“Nakakaiyak nman!”

“tulo luha ko agad”

“Tulo agad ang luha ko dito... Feel mo talaga ang pagmamahal.”

“Napaiyak ako,,,bilang magulang ang sakit at ang herap ,Di ko maipaliwanag , thankful to God at naituwid ang Mali , sakripisyo lhat pra s ikakabuti Ng anak”

“Nobody is perfect....everybody makes mistake..... happy for you jm u deserved a good life despite what happened to you...may god bless you”

“His Dad's message made me cry so much. Plus that hug with his mom. God bless po. Sana po maging ok na lahat.”

Nakakaiyak talaga! Video ng paglabas ni JM de Guzman sa rehab, nag-viral

Nakakaiyak talaga! Video ng paglabas ni JM de Guzman sa rehab, nag-viral (Photo: PEP)

Kasalukuyang mapapanood si JM de Guzman sa drama series na ‘Araw Gabi’ kung saan katambal niya si Barbie Imperial. Mainit ang naging pagtanggap ng mga tao sa kanilang serye kaya naman lubos ang pasasalamat ni JM sa kanilang mga fans.

Today, we are going to ask individuals from the Philippines whether they think a tomato is a fruit or a vegetable. What is your opinion? Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer?

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight

Lindsay Custodio life as Mrs. Julius Caesar Platon II after leaving the limelight
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel