Marco Gallo, isiniwalat ang tunay na pag-trato ni Richard Gomez sa kanya

Marco Gallo, isiniwalat ang tunay na pag-trato ni Richard Gomez sa kanya

- Nagkuwento si Marco Gallo kung paano niya nakilala si Juliana Gomez

- Ibinahagi din ng aktor kung paano siya tratuhin ni Richard Gomez, ang ama ni Juliana

- May pag-amin din si Marco tungkol sa kanila ni Juliana

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging mainit na topic sina Marco Gallo at Juliana Gomez kamakailan, kaya naman hindi maiwasan na matanong ng tao kung approve kaya ang aktor sa magulang ng dalaga.

Nalaman ng KAMI na busy si Marco ngayon sa ginagawa niyang pelikula na 'Familia BlandINA'.

Ayon sa ulat ng Bandera, natanong nila ang aktor kung paano nga ba sila nagkakilala ni Juliana.

"Pareho po kaming Bench endorser, we just met there and we became close friends and everyday we’re talking as friends. Wala po kasi siyang kasama sa prom and she ask me if I can go with her, sabi ko ‘okay wala naman akong gagawin."

Nakilala muna ni Marco ang mga magulang ni Juliana na sina Richard Gomez at Lucy Torres, bago siya naging prom date nito. Binahagi din niya kung paano siya tratuhin ng mag-asawa.

"At first siyempre hindi ko sila kilala, siyempre it’s still scary na I meet the parents and they are big names in the industry. But in the end, he’s (Goma) been super nice to me.

“I like to know people before judging them and sobrang naging mabait sila sa akin, both parents."

Nilinaw naman ni Marco na hindi siya nanliligaw sa unica hija nina Goma at Lucy. Madalas man sila lumalabas kasama ang iba pang kaibigan pero magkaibigan lang daw sila.

"If I don’t have work po nagkakasama kami. Hindi ko po siya nililigawan."

Mariin din niyang itinanggi na binibigyan niya ang dalaga ng regalo, "No, why should I? And we’re not in the 1800 (years). If you’re courting, you have to give something, but I’m not courting."

"She’s nice, one of the nicest I met in showbiz. Siyempre, ‘yung iba makikilala mo na buong pamilya nila artista. I met people na they’re not stick to the ground, they look at you by the cover at iyon ang kakaiba sa kanya. Dati hindi ko alam na anak siya ni Richard Gomez, then she’s like that and I’m proud."

Si Juliana Gomez ay ang unica hija nina Richard Gomez at Lucy Torres. Si Richard ang kasalukuyang Mayor ng Ormoc City, habang si Lucy naman ay isang Congresswoman.

Si Marco Gallo ay isang former housemate sa Pinoy Big Brother at siya rin ang former love team ni Kisses Delavin. Kamakailan lang ay umattend si Juliana ng prom at si Marco ang kasama niya bilang prom date.

Today, we are going to ask individuals from the Philippines whether they think a tomato is a fruit or a vegetable. What is your opinion? Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer?

Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel