Bee Gees, personal na nagtweet ng pasasalamat sa galing ng paggaya sa kanila ng TNT boys

Bee Gees, personal na nagtweet ng pasasalamat sa galing ng paggaya sa kanila ng TNT boys

- 'Flattered' daw ang Music icon na Bee Gees dahil sa nakakaaliw na paggaya sa kanila ng TNT Boys sa Your face sounds familiar Kids

- Binahagi muli ng Bee Gees ang performance video ng TNT boys kung saan kinanta nila ang 'Too Much Heaven

- Umabot na sa mahigit 4 na milyon views ang video performance ng TNT Boys sa Youtube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpakita ng 'appreciation' ang grupong Bee Gees sa TNT BOys na sina Francis Concepcion, Mackie Empuerto at Kiefer Sanchez dahil sa panggagaya ng mga batang ito sa kanila sa Your face sounds Familiar Kids.

Nalaman ng KAMI na sa mismong official twitter page nila nagpasalamat ang Bee Gees sa TNT boys at sobrang 'flattered' daw sila sa mahusay na panggagaya sa kanila ng mga bata.

Nagawa pang i-retweet ng Bee Gees ang video performance nina Francis, Mackie at Kiefer.

Kinanta ng TNT Boys ang isa sa mga popular na kanta ng Bee Gees na 'Too Much Heaven'.

Bukod sa kanilang pustura at ayos, Nakamamangha rin ang pagkakakanta ng TNT Boys na kuhang kuha rin ang singing style ng Bee Gees.

Samantala, ang isa sa mga judges na si Gary Valenciano ay di mapigi;ang purihin sina Francis, Mackie at Kiefer.

“You all have incredible voices. It’s a perfect way to start this new season," komento ni Mr. Pure Energy na noon ay nasa show pa.

Umabot na ng mahigit 4 na milyon views ang video performance ng TNT Boys ng 'Too much Heaven' sa Youtube.

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel