Toni Gonzaga sobra-sobrang pinasalamatan ni Rufa Mae Quinto dahil sa magagandang bagay na ginawa nito sa aktres lalo na ngayon

Toni Gonzaga sobra-sobrang pinasalamatan ni Rufa Mae Quinto dahil sa magagandang bagay na ginawa nito sa aktres lalo na ngayon

- Sa isang Instagram post ni Rufa Mai Quinto ay pinasalamatan nya ng sobra-sobra si 'Ultimate Multimedia Superstar' na si Toni Gonzaga.

- Ang komedyanteng aktres ay taos-pusong nagpapasalamat sa kanyang kasamahan sa 'Home Sweetie Home' pati na rin sa isang kasamahan nila na si Piolo Pascual.

- Ito ay dahil sa pagpunta ng mga bidang aktres at aktor pati na rin ang direktor ng pelikulang 'Last Night,' sa lamay ng burol ng pinakamamahal na ina ni Rufa Mae.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Noon pa man ay marami na din tayong naririnig tungkol sa kabaitan ng nag-iisang 'Romantic-Comedy King' na si Toni Gonzaga.

Ngayon, ay muling pinatunayan ng 'Box Office Queen' ang angking kabaitan at kabutihang loob na mayroon sya.

Sa isang post ni Rufa Mae Quinto sa lamay ng burol ng kanyang pinakamamahal na ina ay bumisita at nagbigay respeto sina Toni Gonzaga, Direk Joyce Bernal, at Piolo Pascual.

Isa-isang pinasalamatan ni Rufa Mae na kilala din sa showbiz bilang Peachy ang mga ito pero isa sa mga nagpa-antig sa damdamin ng mga fans ay ang mensahe nito sa kaibigang Toni Gonzaga.

Sa caption nya ay makikita ang labis na labis nyang pagsasalamat kay Toni Gonzaga na sikat din sa mga kaibigan na sa showbiz sa pangalan na Tin.

Ayon sa komedyanteng aktres, sobra-sobra na daw ang ginawa ng 'Ultimate Multimedia Superstar' kaya ilang beses na itong napaiyak dahil sa sobrang touch.

Pagbahagi ni Rufa Mae, nandyan lang palagi si Toni sa kanya, mula sa pag-welcome nito sa show na 'Home Sweetie Home,' ang pinagdaanan na post partum, at ang pagbabalik nya sa showbiz ay nandyan lang daw parati si Toni Gonzaga.

Bumuhus din ng commens at touching messages ang post ni Rufa Mae at ito ang ilan sa kanila:

"@rufamaequinto surrounded with good people especially in times of sorrow makes you feel lighter even with heavy heart. Sorry for your loss. Please accept our sincerest and deepest sympathy."
"During low time makikita Ang mga tunay na friend... condolence...she's now in heaven a mom angel mahirap pero Kaya mo my Super Booba...God bless."
"Real Pipol+ True Friendship + Loving Kapamilya = LOVE all around.(hearts) Smile kahit meron pinagdadaanan. (emoji) Blessed to have those kind of good people around you. (emojis)
Kse mabuti ka Ms. RuffaMae. : : Condolence to the family.
Rest in peace to your Nanay. (emoji)"

Tama nga naman, ang mga totoong kaibigan ay nandyan palagi sa saya at lalo na sa lungkot.

Masaya kami na meroon kang tunay na kaibigan Rufa Mae at condolence sayo.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film

Buwis buhay! Erich Gonzales shares near death experience in shooting latest film
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel