Batang palaboy noon, may-ari na ng dalawang sikat na restaurant sa Laguna at balak pa niya itong dagdagan

Batang palaboy noon, may-ari na ng dalawang sikat na restaurant sa Laguna at balak pa niya itong dagdagan

- Batang kalye si Roy Villegas na napabayaan ng kanyang mga magulang sa edad na anim na taong gulang

- Minsan niyang napigilan ang kapwa bata na magnakaw sa isang bilyaran kaya bilang pabuya, pinakain siya ng may-ari nito ng bulalo

- Dito na pala magsisimulang magbago ang buhay ni Roy sapagkat ang may-ari pala ng biyaran ay isang guro na umampon din sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tunay na kahanga-hanga ang kwento ng restaurant owner ng Uncle Roy Bistro sa Calamba Laguna.

Nalaman ng KAMI na ang may-ari pala nito na si Roy Villegas ay dating batang kalye na sinuwerte sa buhay dahil na rin sa paggawa ng mabuti sa kapwa.

Ayon sa Kicker Daily, naipalabas sa programang My Puhunan ang buhay ni Roy at kung paano niya sinimulan ang kanyang negosyo na sikat na sikat ngayon sa Calamba.

Anim na taong gulang pa lang noon si Roy nang naglayas siya sa kanilang bahay dahil na rin sa gulo ng sitwasyon ng kanilang pamilya.

Para makaraos sa pagkain araw-araw, sa murang edad naranasan niyang maging barker ng jeep at tricycle. Naranasan din niyang mangalap ng bote at dyaryo para maikalakal at kumita ng barya para lamang may maipangkain siya.

Isang sitwasyon ang bumago sa takbo ng buhay ni Roy nang minsan niyang napigilan ang magnanakaw sa tangka nito sa isang bilyaran.

BIlang pabuya ng may-ari ng biyaran, binilhan siya nito ng bulalo na agad naman niyang kinain.

At dahil nalaman ngmay-ari na isa rin palang guro ang sitwasyon niRoy, nagdesisyon siya na kupkupin na lamang ito at siya ang naging dahilan kumbakit naiayos ang buhay ng dating batang lansangan.

Samantala, naging basketball coach muna si Roy bago niya pasukin ang pagnenegosyo ng 'burger'. Ngunit sa kanyang pagko-coach din nakuha ang ideya ng pagtatayo ng negosyo na pagkain dahil pagkakatapos ng laro ng basketball, burger ang madalas kainin ng players.

Inamin ni Roy na sa unang 3 buwan niya ng pagbubukas ng negosyo ay halos wala siyang kinita.

Laking pasalamat niya sa bandang Parokya ni Edgar na noon ay nasa lugar nila na unang umorder ng 20 na burger at matapos ang 4 na oras ay 80 burger naman ang order.

Dito lalong lumakas ang loob ni Roy na ipagpatuloy ang negosyo na ngayon at may dalawang branch na at balak pa niya itong dagdagan.

Narito ang video ni Roy sa 'My Puhunan' na nakuha ng KAMI sa Youtube.

Tunay na sa sikap, tiyaga, diskarte sa buhay, talagang mararating ang mga bagay na dati mo lamang pinapangarap.

Tila ang mga pinagdaanan ni Roy sa buhay ay syang nagpatatag sa kanya at nagpatunay na giginhawa rin ang kanyang buhay.

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. Tricky Questions: Is Tomato a Fruit? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands

Pinagtaksilan! 5 Filipina celebrities who got cheated on by their husbands
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel