Todo ang suporta nina Marian Rivera at Jasmin Curtis kina Dingdong Dantes at Anne Curtis sa kanilang movie premiere

Todo ang suporta nina Marian Rivera at Jasmin Curtis kina Dingdong Dantes at Anne Curtis sa kanilang movie premiere

- Nag-uumapaw ang suporta na ibinigay ng asawa ni Dingdong Dantes at nakakabatang kapatid ni Anne Curtis sa movie premiere ng 'Sid & Aya (Not A Love Story).'

- Ginanap ang premiere night ng pelikulang pinagsasamahan ng Kapuso aktor Dingdong Dantes at Kapamilya aktres Anne Curtis.

- Sa nasabing premiere night ay marami ang mga tagahanga nila ang pumunta at sumuporta lalong-lalo na ang kani-kanilang miyembro ng pamilya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa haba-haba man ng shooting ay sa movie theatre din babagsak ang pelikula na pinagbibidahan ng dalawang malalaking artista sa showbiz at sa dalawang magkaribal na istasyon ang 'GMA' at ang 'ABS-CBN.'

Nalaman ng KAMI sa 'GMA Entertainment' ang nasabing premiere night.

Ginanap na nga ang premiere night ng pelikulang 'Sid & Aya (Not A Love Story)' kahapon, May 28, at hindi lang ang mga bidang artista ang nandoon para makisaya sa mga tagahanga kung hindi pati na rin sina Jasmin Curtis at Marian Rivera.

Nakita din doon ang boyfriend ng nakakabatang kapatid ni Anne Curtis na si Jeff Ortega.

Talaga namang hindi nagpahuli ang kanilang mga pamilya sa pagsuporta sa dalawa.

Ang mga fans nina DingDong at Marian ay nagpost ng isang video sa nasabing premiere night at talaga namang nagsisigawan ang mga fans nila sa pagpasok nila sa loob ng sinehan.

Ang talent manager ni Dingdong na si Perry Lansigan ay nagpost din ng iilang snaps sa backstage.

At makikita natin na nandoon din ang film direktor na si Irene Villamor at si Gabby Eigenmann.

Visit HumanMeter YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa

Haba ng hair! Sharon Cuneta, ibinida kung paano siya pahalagahan ng asawa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel