Meghan Markle at Prince Harry, magpupunta sa isang mamahaling lugar para sa kanilang honeymoon

Meghan Markle at Prince Harry, magpupunta sa isang mamahaling lugar para sa kanilang honeymoon

- Ikinasal noong May 19 sila Prince Harry at Meghan Markle

- May report na ukol sa honeymoon destination ng Royal couple

- Sila raw ay magha-honeymoon sa Fairmont Jasper Park Lodge sa Canada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sila Meghan Markle and Prince Harry ang pinaka-mainit na Royal couple ngayon kaya interesado ang marami ukol sa iba’t-ibang aspeto ng kanilang marriage.

Nalpagalaman ng KAMI na may international report na ukol sa kung saan mag ha-honeymoon ang newlyweds.

Ayon sa TMZ, sa Fairmont Jasper Park Lodge sa Alberta, Canada ang honeymoon destination ng mag-asawa.

Sila raw ay mananatili sa Outlook Cabin, na kilala rin bilang “The Royal Retreat,” dahil pinupuntahan talaga ito ng mga Royalty pati ng Hollywood stars.

Ang cabin na ito raw ay may laking 6,000 square feet.

Makakasama raw ng couple ang security teams mula sa England pati Canada para sa kanilang seguridad.

Ikinasal si Meghan kay Prince Harry noong May 19, 2018.

Ginanap ang kasal sa St George's Chapel, Windsor Castle.

Inanunsyo ang kanilang engagement noong November 2017.

Hiling ng KAMI na maging masaya at payapa ang honeymoon nila Meghan Markle at Prince Harry!

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? – On KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Kris Aquino says she will no longer let her siblings get involved in her present issues

Kris Aquino says she will no longer let her siblings get involved in her present issues

Kris Aquino says she will no longer let her siblings get involved in her present issues
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel