Lumalaban sa agos at hirap ng buhay si Marlo Mortel sa kabila ng lumalalang kalagayan ng kanyang ina

Lumalaban sa agos at hirap ng buhay si Marlo Mortel sa kabila ng lumalalang kalagayan ng kanyang ina

- Wala ng mas masakit ba na makikita ang iyong ina lumalaban sa buhay sa kabali ng iniindang kalagayan.

- Matagal-tagal na ring napapabalitang may lubhang karamdaman ang ina ni Marlo Mortel at labis naman ang suport na nakukuha nya sa mga tagahanga, mga kaibigan, kapamilya, at iba't-ibang tao sa lipunan.

- Ngayon, sa kabila ng lumalalang kalagayan ng ina, pilit pa ring bumabangon at lumalaban ang aktor at singer ng 'ABS-CBN.'

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa pa ring larawan ng pag-asa ang pinapakita ni Marlo Mortel sa kabila ng lumalalang kondisyon ng kanyang ina.

Ang kanyang ina ay nakikipaglaban para sa kanyang buhay, at hindi rin sumusuko ang Kapamilya star.

Ngayon, nalaman ng 'PEP,' kung saan nakuha ng KAMI ang balita, ang mga bagong updates ng sitwasyon at kondisyon ng kanyang ina.

Malakas ang pananampalataya ni Marlo Mortel sa kabila ng mabigat na pinagdaraanan dahil sa lumalalang sakit ng kanyang butihing ina.

Ayon sa source media outlet, hindi daw naiwasan ng Kapamilya aktor at singer na magbahagi tungkol sa kalagayan ng kanyang pinakamamahal na ina na may cancer.

Ito naman ay kanyang paraan para kahit papaano ay mabawasan ang bigt ng kanyang nararamdaman.

Lahad ni Marlo:

“Hindi siya okey, ayaw niya ipasabi yung kanyang kalagayan."

Pagbahagi nya, mayroon na namang findings na nakita sa ibang parte ng katawan ng kanyang ina at iyon nga ay mga tumors.

Siniwalat din nya na isang blood test pa lang na ginawa sa kanyang ina ay isang malaking bagsak na 150,000 pesos.

Sa pagpapatuloy nya:

“’Tapos last week, may emergency siya, malapit na pala siyang mag-heart failure. Inoperahan siya sa heart, so may nakakabit sa kanyang puso."

Kaya napatanong na lang ang reporter kung saan sya humugot ng lakas.

Pag-amin ni Marlo:

"Hindi ko alam kasi hirap na hirap na ako."

Dagdag nya:

“Ako kasi pag work, work, hindi ko hinahayaang maapektuhan ang trabaho ko… Hindi ko talaga ipinapakita. Kapag nasa bahay ako, nahihirapan ako, sobra.”

At lalo pa nyang pinapalakas ang ina nya sa pamamagitan ng mga kailang pa nilang gawin at kailangan nitong ma-witness at experience gaya na lang ng bagong buhay, mga apo, at iba pa.

Sa huli ay sinabi ni Marlo na:

"Prayers lang talaga at naniniwala ako sa miracle. Alam kong darating yung time na makikita ko si Mama… malakas at okey na siya."

More HumanMeter YouTube videos

Source: Kami.com.ph

Related news
May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot

May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot

May basehan nga ba? Netizens react to DILG Secretary's appeal to change ‘Ang Probinsyano's' plot
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel