Nakakaantig na sulat ni Jolina Magdangal kay Pele bago ipinanganak si Baby Vika nagpaiyak sa maraming netizens

Nakakaantig na sulat ni Jolina Magdangal kay Pele bago ipinanganak si Baby Vika nagpaiyak sa maraming netizens

- Bago pa man ipinanganak si Baby Vika, shinishare na ni Jolina ang pagkabalisa niya para kay Pele

- Kaya bago siya ipasok sa CS room, pinost niya ang liham niya para sa 4-taong-gulang na anak

- Ito'y sobrang nakakaantig na napaluha ang maraming netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging open si Jolina Magdangal sa mga pinagdaanan niya sa kanyang pangalawang baby. Isa na rito ay ang pagiging balisa niya sa mararamdaman ng 4-taong gulang na anak niyang si Pele.

Iniisip parati ni Jolens si Pele habang lumalapit ang kanyang panganganak. Naroong ibinahagi niya ang hirap na dinanas nilang mag-asawa sa pag-explain kay Pele kugn bakit di na siya puwedeng tumabi kay Mama at Papa.

So bago pa man ipasok sa operating room si Jolens for her CS operation, gumawa siya ng liham para sa pinakamamahal niyang panganay.

"To my dear Pele,

Thank you tinabihan mo parin ako matulog kagabi. Mas napanatag ang loob ko. Pangako ko sayo na hindi ito ang huling akap na tayong dalawa lang. Yayakapin kita habangbuhay hanggat gusto mo pa yakapin si Mama. Kung pagkatapos manganak ni mama, wag ka magtaka kung bakit hindi muna kita makakatabi, sisiguraduhin ko na palagi ka makiss at maparamdam na namiss kita. Pagkatapos ko manganak, kakayanin ko makarecover agad para matulungan parin kita maligo, makalaro ka, makakwentuhan ka, at maenjoy natin ang bago mong kalaro na si Vika.

Mahal na mahal kita anak. Alis lang si mama sandali, pagbalik ko apat na tayo.♥️"

Maraming puso ng netizens ang naantig sa sinabing iyon ni Jolens kay Pele.

Nang lumabas na si Vika, ibinahagi ni Jolina na masayang-masaya siya sa reaksyon ni Pele sa nakababatang kapatid niya.

Eto ang sabi ng ilang netizens.

Nakakaantig na sulat ni Jolina Magdangal kay Pele bago ipinanganak si Baby Vika nagpaiyak sa maraming mga nanay

Nakakaantig na sulat ni Jolina Magdangal kay Pele bago ipinanganak si Baby Vika nagpaiyak sa maraming mga nanay (Screenshot IG)

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel