Nalaman na ang mangyayari sa ina ni Meghan Markle na si Doria Ragland pagkatapos ng Royal Wedding

Nalaman na ang mangyayari sa ina ni Meghan Markle na si Doria Ragland pagkatapos ng Royal Wedding

- Sumikat si Doria Ragland dahil sa Royal Wedding

- Siya ang ina ng bride na si Meghan Markle

- May bagong reports ukol sa mga gagawin niya ngayong tapos na ang kasal ng kaniyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Halos lahat ng focus sa Royal Wedding ay sa bride na si Meghan Markle at sa groom na si Prince Harry.

Pero naging star din sa event ang ina ni Meghan na si Doria Ragland.

Nalaman ng KAMI na mayroon ng international reports sa kung ano na ang mangyayari kay Doria pagkatapos ng kasal ng anak niya.

Marami ang humanga kay Doria dahil siya lang nag-iisang kapamilya ni Meghan na pumunta sa kasal at may class siya sa pagrepresent ng pamilya nila.

Ayon sa Fabiosa at NowToLove.com, si Doria daw ay may posibilidad na mag-appear sa telebisyon.

Base sa reports, baka raw mag tell-all interview siya kay Oprah Winfrey dahil nakita siya sa tahanan sa Santa Barbara ng sikat na talk show host.

May rumor din na sa London gaganapin ang interview niya kasama si Oprah.

Ayon naman sa Woman’s Day, may posibilidad din dawn a lumipat na sa London si Doria para mapalapit siya sa anak niya.

Sabir in sa report na baka raw mag renta si Meghan ng guest suite sa Kensington Palace para sa kaniyang ina.

Si Prince Harry ay ang pangalawang anak nina Prince Charles at Princess Diana. Nagsimula ang relasyon nina Prince Harry at Meghan Markle, na dating isang aktres, noong June 2016.

Nag-release ang royal family ng kanilang official statement patungkol sa relasyon nila noong November 8, 2016.

Naganap ang royal wedding sa pagitan nina Prince Harry at Meghan Markle nitong Sabado, May 19.

Listen to these tricky questions and try to answer them yourself. What do people in the Philippines celebrate on June 1st? What is the 11th fruit mentioned in the song Bahay Kubo? Do you want to know the answer? – On KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos

Nanay idol! Claudine Barretto, binisita ang Star For All Seasons Vilma Santos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel